Header Ads

Labis ang Hinàgpis ng isang Lalaki ng Malamang Pinirito ng Ama ang Mamahaling Alagang Isda.


Source: Solokini/Instagram
           Labis na naghinàgpis ang isang lalaki sa Indonesia matapos malamang niluto ng kaniyang ama ang mamahalin nitong alagang isda.

Source: Solokini/Instagram
Sa kaniyang Instagram account, ibinahagi ni Bayu ang larawan ng kaniyang alagang arowana, na isa sa pinakakilala at pinakamahal na isda sa kanilang lugar, na nakalagay na ngayon sa isang pinggan at tila handa nang maging pagkain.
Source: Solokini/Instagram
Saad niya sa kaniyang post, “My arowana was fried by my father. I bought it in Jatinegara, aged around four years and it had accompanied me in Cikarang for two years.”
Dagdag pa niya, “I bought the golden arowana fish for IDR 800,000 (US $56.70). it was already expensive then, and my fish could have been sold for around IDR 2 million (US $141.7).” 
Source: Solokini/Instagram
Nang lumaki raw ito matapos ang dalawang taon, iniuwi niya ito sa kanilang bahay sa Sukoharjo upang maalagan daw ng mabuti ng kanyang magulang.
Source: Solokini/Instagram
Subalit hindi raw ito nabigyan ng maayos na alaga ng kaniyang ama dahil imbes daw na alupihan at mga kuliglig ang ipakain ay mga butiki raw ang inihahain dito.
 Nagkaroon din daw ng sugat sa mga mata at tila naduduling na ang nasabing isda ngunit kalaunan ay gumaling at lumusog din daw ito.
Source: Solokini/Instagram
Subalit isang araw, isang larawan mula sa kaniyang kapatid ang natanggap ni Bayu. Isa itong larawang nagpapakitang inihain na ang kanyang alagang arowana na iprinito na raw ng kanilang ama kahit wala pa umanong permiso mula sa kanya.
Source: Solokini/Instagram
Naging usap-usapan sa social media ang “pagluluksang” ito ni Bayu. Ikinalungkot din ng ilang mga netizenzs ang sinapit ng alaga ni Bayu. Kahit sino ay malulungkot kung mawawala ang ating mahal na alaga matapos maibgigay ang mag-aalaga at pagmamahal sa alaga.
Source: Solokini/Instagram
Samantala, tanggap na raw niya ang naging kapalaran ng kaniyang alaga.
“I’ve let it go. If I imagine [my father eating my arowana] I feel like throwing up.”
Source: Solokini/Instagram

Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.