Header Ads

Mangingisdang nakahanap ng higanteng Perlas, Walang ideya na P5 Billion ang halaga nito

Source: Forbes.com

Kilala ang Pilipinas sa bansag na “Pearl of the Orient” na hango sa salitang Espanyol na Perla De Oriente o Perla Del Mar De Oriente. Nagsimula ang ideyang ito noong taong 1751 na nagmula sa isang Espanyol na Jesuit Missionary na si Fr. Juan J. Delgado.

Source: Forbes.com

Nang matagpuan niya sa Pilipinas ang sinasabing pinakamalaking perlas sa kasaysayan ng buong mundo, pinangalanan niya itong “Pearl of Lao Tzu” o “The Pearl of Allah.” Ang nasabing perlas ay nananatili at naaalagaan pa rin sa Palawan.

Source: Forbes.com

Samantala, kamakailan lang nang matuklasan ng isang mangingisda ang isang malaking perlas na may timbang na 75 pounds na sinasabing mas malaki kaysa sa perlas na unang naitala at natagpuan sa Palawan.

Isang dekada na rin ang nakalipas mula nang makita ng hindi pa nakikilalang mangingisda ang perlas sa baybayin ng isla ng Palawan. Ngunit tila wala siyang ideya sa kung gaano kalaki ang halaga ng nakuha niyang higanteng perlas.

Source: Forbes.com

Mas pinili ng naturang mangingisda na gawin itong palamuti at lucky charm sa kanyang bahay. Subalit, natupok ito sa sunog na naging dahilan upang lumipat siya ng tirahan. Ang higanteng perlas ay ipinagkatiwala na lamang umano niya sa kanyang tiyahin na isang opisyal ng turismo. At dito na nga natuklasan na nanggaling pala ito sa isang higanteng clam.

Source: Forbes.com

Ayon sa tiyahin ng mangingisda, namangha raw siya nang makita niya ang perlas. Napatunayan itong perlas sa pamamagitan ng pagsusuri at pananaliksik ng gemologists; ang halaga nito ay katumbas umano ng $100 million o P5 bilyon.

Source: Forbes.com

Una nang ipinakita ang perlas sa isang tourist attraction sa Puerto Princesa sa Palawan City Hall, ngunit nasa pangangalaga ito ngayon ng isang kilalang museo sa New York.

Source: Forbes.com

Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.