Header Ads

Saku-sako at kabundok na gutày-gutày na paper bills natagpuan sa Capiz

Source: Metro Headlines/Facebook

Natagpuan ng ilang mga residente ang sako-sakong ginutay-gutay na mga perang papel sa isang bakanteng lote sa Barangay Cagay, Roxas City, Capiz.

Source: Metro Headlines/Facebook

Sa ulat ng Radyo Todo Capiz News Team, napag-alaman na ang mga paper bills na ito ay dadalhin sana sa isang dumping site sa San Jose sa nasabing siyudad para sa proper disposal. Ayon naman sa isang nagngangalang Jonathan Agrasada, na-flat-an daw ang kanilang dump truck kaya napilitan silang i-diskarga ang mga ito upang ipaayos ang kanilang sasakyan.

Source: Metro Headlines/Facebook

Sinasabing nanggaling ang mga pera sa Bangko Sentral ng lungsod, kung saan ang mga ito raw ay mga lumang banknote mula sa iba’t ibang denominasyon. Siniguro naman ni Agrasada na ililigpit nila nang maayos ang mga shredded bills at itatapon para sa proper disposal nito.

Source: Metro Headlines/Facebook

Ibinahagi rin sa Facebook page na “Metro Headlines” ang mga larawan ng ginutay-gutay na perang papel, na binigyang-komento naman ng mga netizens.

Source: Metro Headlines/Facebook

"Mga luma o sira (mga fake) na perang papel talagang ginigiling ‘yan ng Central Bank. Ito ay para mawala na sa sirkulasyon! Iisa lang ang dapat nilang paglagyan sa incinerator."

"Sinisira talaga ‘yan, mga lumang pera. Mali nga lang pinagtapunan, madami tuloy ang nanghinayang."

"Lahat na lumang pera, sinisira o sine-shred at itinatapon, ganoon din sa ibang bansa,"

Source: Metro Headlines/Facebook

Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.