Header Ads

Good samaritan mula Bacoor, kinilala sa pagtulong sa mga matatandang nangangailangan

Source: Naomi Tiburcio/ You tube

Sa mundong puno ng mga taong mapagsamantala, may mga tao pa ring nananatiling mabuti sa kanilang kapwa. Hindi man sila pinagkalooban ng yaman, taglay naman nila ang mabuting puso upang tulungan ang mga taong nangaingailangan.

Source: Naomi Tiburcio/ You tube

Kinilala ang isang babae sa Bacoor, Cavite sa pagtulong niya sa mga matatandang nangangailangan.

Source: Naomi Tiburcio/ You tube

Maituturing bilang anghel si Bennie Sanchez para sa ilang matanda. Isa siyang volunteer staff ng Cooperatives for Christ – Cavite at dati ring bank teller. Aktibong miyembro din siya ng Singles for Christ at isang Catholic lay minister.

Source: Naomi Tiburcio/ You tube

Tinutulungan ni Sanchez ang mga matatandang nakasasalamuha niya sa kalsada. Ayon pa sa kanya, “Lagi akong napapaiyak kapag may nakikita akong lolo at lola sa kalsada.”

Source: Naomi Tiburcio/ You tube
 
Source: Naomi Tiburcio/ You tube

Mahigit limang matatanda ang kanyang binibisita araw-araw upang hatiran ng pagkain at upang madala sa pagamutan. Isa nga sa natulungan ni Sanchez ay si Lolo Gerry Rivera, na madalas makita sa isang parking sa Bacoor, Cavite. Ayon sa matanda, masipag, mabait at nakatutulong talaga sa kanya ang naturang babae.

Source: Naomi Tiburcio/ You tube
 
Source: Naomi Tiburcio/ You tube

Pagsasalaysay pa ni Sanchez, “Simula pa kasi ito noong 1997, noong teller ako. Ako’y susuweldo, makaka-receive ng allowance. Doon po nanggaling ‘yong aking pinambibili ng pagkain para sa mga lolo at lola.”


Source: Naomi Tiburcio/ You tube



Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.