Header Ads

Isang kustomer inalis ang kanyang sapin sa paa bago pumasok sa McDonald’s trending ngayon


Likas na sa mga Pilipino na sa tuwing bibisita sa bahay ng kanilang mga kaibigan o kamag-anak ay kinakailangang alisin ang mga sapatos o tsinelas bago pumasok. Maaari itong ituring bilang tanda ng pagrespeto at para mapanatili ang kalinisan ng sahig. Maliban na lamang kung pinayagan sila ng may-ari na isuot lang ang mga sapin sa paa sa kanilang pagpasok.



Samantala, nag-viral sa social media ang isang
kustomer matapos nitong alisin ang kanyang sapin sa paa bago pumasok sa McDonald’s. Mahihinuhang kuha ang mga larawan ng isang taong nasa likuran ng nasabing kustomer. Makikita rito ang pagtatanggal ng tsinelas ng nasabing kustomer pagkatapak niya sa may pintuan ng fast food chain restaurant.



Tila natatawa rin ang isang crew na may hawak na mop dahil sa ginawa ng kustomer. Hindi tuloy malaman ng mga netizens kung karaniwan na itong ginagawa ng kustomer, o hindi naman kaya ay tugon lamang niya ito sa nakalagay na wet floor sign.
 

Komento ng ibang netizens, hindi naman karaniwan ang pagtatanggal ng sapatos o tsinelas sa tuwing papasok sa mga pampublikong lugar tulad ng restaurants. Sabi naman ng ilan, maaaring sadyang disiplinado lang talaga ang nasabing kustomer.


 
Dagdag pa ng isa, “seriously, nakakahiya naman talaga dumaan sa ganyan lalo na anjan yun naglinis kahit pa sabihin na trabaho nila yan.. nakakahiya parin.. ako nga pag nadaan sa ganyan nagsosorry ako dun sa naglilinis or minsan iniintay ko matuyo or tinatanong ko yun naglinis kung ok lang bang daanan na.. mahirap maglampaso ng sahig.. kahit alam kong joke to salute parin sa kanya..”

“natakot lang sxa madulas.. wet floor kasi kaya nag tanggal sxa ng tsinelas,” ani pa ng isang netizen.



Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.