Header Ads

Isang matandang Lalaki ang pinabayaan ng pamilya, nakitang nakatira na lang sa parang tangkal ng baboy.

Source: Raffy Tulfo in Action

Sa tulong ng kapitbahay ng matandang nakulong na tila pinabayaan na ng kanyang pamilya, ay nabigyang pansin ang kalagayan nito. Ang kapitbahay nito ay humingi ng tulong kay Sir Raffy kaugnay sa nakakaawang kalagayan ng matandang lalaki.

Source: Raffy Tulfo in Action

Nakakalunos ang naging kalagayan ni lolo na parang nakatira sa parang kulungan ng baboy. Nakarating nga kay Raffy Tulfo ang kalagayan ng kawawang matanda.

Source: Raffy Tulfo in Action

Laking pagkabahala ang naramdaman ni Tulfo nang makita ang kalunos-lunos na sitwasyon ng lolo. Ayon sa netizen na kapitbahay na si Jennelyn Galvez, lagi niyang madaanan ang matanda at nakikitang nahihirapan sa kanyang kalagayan. 

Source: Raffy Tulfo in Action

Kinuhanan ni Jennelyn ng video ang kalagayan na maruming lugar, at makikitang nakahiga na ito sa maduming sahig. 

Source: Raffy Tulfo in Action

Sa pakikipanayam ni Tulfo sa kanyang kamag-anak ay napag-alaman nila na nakalaya lang umano ang lolo na 16 na taong nakakulong dahil sa pagpaslàng sa sarili niyang misis na nahuli nitong may kasamang iba. Nakausap ni Tulfo ang kamag-anak nitong si Marivic Ramirez, sinabi pa nitong bahagi pa rin ng kanilang bahay ang tinutuluyan ng matanda. Hindi na raw nila maasikaso ang matanda sa sobrang busy raw nila sa trabaho.

Source: Raffy Tulfo in Action

Inamin ni Marivic na noon raw kasama nila sa loob ng kanilang bahay ang matanda ngunit nang magkaroon ito ng tubèrcul0sis, napilitan raw silang ihiwalay ito kaya nilagay sa katabi ng kanilang bahay. Hirap din raw sa buhay kaya naman hindi na natutustusan ang mga gamot ng matanda at hindi na rin nakabalik sa chèck-up. 

Agad na inaksyunan ni Tulfo ang sitwasyon ng matanda sa pamamagitan ng pagpapadala ng tulong para maipacheck-up sa hospital, mabigyan ng nararapat na gamot at maayos na tirahan.

Source: Raffy Tulfo in Action


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.