Header Ads

"Ituring lamang natin ang kahirapan bilang isang hamon, hindi isang balakid"ito ang kasabihan ng isang working student, pinasok ang ibat ibang trabaho at ngayon ay isa ng Doktor

Source: Philippine Star

Kamakailan lang ay nakapasa sa ginanap na Physician Licensure Examination ang isang 37 taong gulang na lalaki na naging working student muna bago natamasa ang tagumpay.

Sa Facebook page ng Philippine Star, ibinahagi ni Rommel Abellar Amos na ginawa niya ang kanyang makakaya para matupad ang pangarap niyang maging isang doktor. Una raw siyang nagtrabahao sa isang water refilling station noong 2005. Nagtrabaho rin daw siya bilang merchandiser, marketing assistant, at sales clerk.

Source: Philippine Star

Taong 2017 naman nang magtrabaho siya bilang assistant baker sa isang bakery na pagmamay-ari ng Veronica Afable na siyang tumulong sa kanya upang matugunan ang mga bayarin para sa medical school.

Ani Amos, “Before taking med studies, another two years nagtrabaho po ako sa bakery para makapag-ipon. During my med school, every summer break, Christmas break, and sem break nakakapag-trabaho po ako sa bakery pa rin. Mura po ang tuition namin sa Cagayan State University kaya kinaya.”
 
Source: Philippine Star

Natapos niya ang kanyang medical studies sa Cagayan State University Tuguegarao City noong 2019 at kumuha ng Physician Licensure Examination nito lamang Marso 2021. Plano ngayon ni Amos na magtrabaho sa kanyang home province.

Source: Philippine Star

“Masaya po at minsan naiiyak dahil sa sacrifices na pinagdaanan ko. Na-realize ko na wala palang imposible ‘pag matiyaga at masipag. Message ko sa young generation ay maging priority nila ang education. ‘Yun pa rin talaga ang magdadala sa kanila. Maging madiskarte in case may financial crisis.

Shortage po ng medical doctors sa province namin specially sa remote areas. Kaya po ako nag doktor.”

Source: Philippine Star

Payo naman niya sa mga working students, “Sa mga working students ngayon, may katapusan ang sacrifices, focus sa goal. It will pay off in the end.”

Source: Philippine Star

Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.