Header Ads

Milyonaryo na ngayon ang isang OFW sa Dubai subalit nais niya pa ring manatili sa kaniyang trabaho bilang katulong imbes na umuwi na ng Pilipinas

Source: GMA Pinoy TV

Ayon sa balitang iniulat sa “Global Pinoy Unlimited” ng GMA Pinoy TV, trinato na raw si Rosie Vargas Villa ng kaniyang mga amo na tila bahagi na rin siya ng kanilang pamilya – kaya naman ay nahihirapan siyang iwan ang trabaho niya rito.

Source: GMA Pinoy TV

Si Villa ang tagapag-alaga ng anak ng kaniyang mga amo. Subalit hindi siya ipinakilala sa bata bilang isang “nanny” o “helper” kundi bilang isang “special auntie.”

Source: GMA Pinoy TV

Ibinahagi rin ni Villa na pamilya na nga ang turing sa kaniya ng kaniyang mga amo. At kung may problema man daw siya – personal man o hindi – ay dapat na maging bukas sa isa’t isa upang kahit papaano’y makatulong daw sila.

Source: GMA Pinoy TV

Dahil dito, sa tuwing nagkakaroon ng problema o suliranin ang pamilya ni Villa sa Pilipinas, lagi raw nakaalalay at nakasuporta ang kaniyang mga amo para sa kanila.

Source: GMA Pinoy TV

Nagmula sa Iloilo City si Villa. Mayroon siyang isang anak. Nasubukan niya na rin daw magtrabaho sa ibang bansa tulad ng India, Hong Kong, at Singapore. Subalit tila nahanap niya raw ang magandang kapalaran sa Dubai kung saan walong taon na siyang nagtatrabaho sa kaniyang amo.

Ito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

"Wow congrats kabayan sana tularan ka ng kapwa domestic helper na pamilya talaga naka pokus"

"Good luck kabayan ma swerte ka dahil malaki sahod mo at may mabait pa na amo.naka base din ako sa dubai God Bless"

"Congrats kabayan 🎉🎉 Godbless. Bait ng mga amo mo. Sana lahat."


Source: GMA Pinoy TV

Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.