Hinangaan ng mga netizen ang isang Doktor na nakapasa sa Physician Licesure Examination dahil sa pinagdaanan nito bilang working student bago naabot ang pangarap
Source: Pilipinas News |
Ibinahagi ng Facebook page na “Pilipinas News” ang kuwento ng lalaking kamakailan lang ay nakapasa sa Physician Licensure Examination.
Ayon sa post ng nasabing Facebook page, kinailangang magtrabaho ni Rommel Abellar Amos na mula sa Eastern Samar upang makaipon ng pera at matupad ang pangarap niya na maging isang doktor.
Source: Pilipinas News
“His first job was at a water refilling station back in 2005. He also worked odd jobs as a merchandiser, marketing assistant, and sales clerk. In 2017, he worked as an assistant baker in a bakery owned by Veronica Afable who helped him fund his expenses for medical school.”
Source: Pilipinas News
Pagbabahagi naman ng 37 taong gulang na doktor sa kanyang Facebook account, “During my med school, every summer break, Christmas break, and sem break nakakapag-trabaho po ako sa bakery pa rin. Mura po ang tuition namin sa Cagayan State Univeristy kaya kinaya.”
Natapos ni Amos ang kanyang medical studies sa Cagayan State University Tuguegarao City noong 2019 at kumuha ng Physician Licensure Examination nito lamang Marso 2021.
Natapos ni Amos ang kanyang medical studies sa Cagayan State University Tuguegarao City noong 2019 at kumuha ng Physician Licensure Examination nito lamang Marso 2021.
Source: Pilipinas News
“Masaya po at minsan naiiyak dahil sa sacrifices na pinagdadaanan ko. Narealize ko na wala palang imposible ‘pag matyaga at masipag. Message ko sa young generation ay maging priority nila ang education. ‘Yun pa rin talaga ang magdadala sa kanila. Maging madiskarte in case may financial crisis,” dagdag pa ni Amos.
Balak niyang maging doktor sa kanilang lugar upang matulungan ang mga taong nasa remote areas.
Pagtatapos ng doktor, “Sa mga working students ngayon, may katapusan ang sacrifices, focus sa goal. It will pay off in the end.”
Source: Furry Category
No comments