Header Ads

Isang pulubi at maninisid ng barya sa Pier noon, ngayon ay isa ng matagumpay at hinahangaang Teacher

Source: The Daily News

Minsan na niyang dinanas ang hirap ng buhay; subalit hindi ito naging hadlang upang makamit niya ang inaasam na pangarap.

Isa nang ganap na guro ang dalagang si Arlene E. Alex na dating naging pulubi at maninisid ng barya sa piyer. Namamalimos umano siya noon upang may maibigay na pera para sa kanyang mga magulang. Bukod sa kalye, kumayod din siya malapit sa may piyer.

Source: The Daily News

Naging inspirasyon nga ni Alex ang mga pinagdaanang pagsubok sa kanyang buhay upang tuparin ang kanyang mithiin. Sa edad na 28 ay naging guro na siya. Idagdag pa riyan na mayroon na rin siyang Master’s Degree.

Source: The Daily News

Nagbibigay na siya ng serbisyo at ibinabahagi na niya ang kanyang mga kaalaman sa mga batang nag-aaral ng IPED at sa mga batang Badjao. Masaya nang naglilingkod si Alex sa kanyang mga kababayan sa Batangas.

Source: The Daily News

Dahil sa kanyang pagtitiyaga at pagsusumikap, ginawaran siya ng parangal ng Rotary Club Batangas sa naganap na 3rd Natatanging Batangueño 2021. Pinuri naman siya ng ilang netizens dahil sa nakamit niyang tagumpay.

“Kahanga-hangang kuwento ng buhay, pamarisan ka nawa ng karamihan.”

“Ganiyan talaga ang buhay ng tao parang mundo paikot-ikot. Noon nasa ibaba, ngayon nasa ibabaw. Congrats. Nagsumikap ka kaya narrating mo ang success.”

“Ganyan ang mga post kahanga-hanga, inspirasyon sa mga kabataan. God bless. Deserve mo iha, congrats.”

Source: The Daily News

Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.