Header Ads

Proud Lola, Idinisplay ang tarpaulin ng apong nkapasa bilang isang ganap na Engineer sa kanilang tagpi-tagping bahay

Source: Crystalle Mae Manalo/ Facebook

Ang determinasyon, tiyaga, at pagsisikap ang susi sa anumang pangarap sa buhay. Sa kabila man kahirapan ay hindi ito kailanman magiging hadlang sa mga minimithi at pangarap sa buhay.

Tulad na lamang ng kwento at isang inspirasyon sa nakararami ang tagumpay na ibinahagi ni Crystalle Mae Manalo, na noon ay nangangarap lamang at ngayon ay ganap nang isang Mechanical Engineer.

Source: Crystalle Mae Manalo/ Facebook

Isang estudyante na nakatira lamang sa barong-barong at tagpi-tagping bahay ay isa ng ganap na Engineer. Hindi naging hadlang para makapagtapos siya ng pag-aaral ang pagiging kapos nila sa buhay. Ngayon ay ganap na syang Engineer bunga ng kanyang pagsisikap. Nairaos nila ang kanyang pag-aaral at ngayon ay proud Mechanical Engineer na ito. 

Nang makapasa ito sa Engineering Board Exam ay buong pagmamalaki nito na ipinaskil ang tarpaulin sa labas ng kanilang tahanan kahit nag-aalala ang kanyang lola dahil sa itsura ng kanilang barong-barong na bahay.

Source: Crystalle Mae Manalo/ Facebook

Ibinahagi ni Crystalle Mae sa isang post sa social media ang pag-aalala ng kanyang lola sa pagpaskil niya ng tarpaulin dahil hindi maayos at tagpi-tagpi lang daw ang kanilang bahay.

Naisip niyang marahil ang ibang estudyante ay maaaring ikahiya ang ganitong sitwasyon ngunit si Crystalle ay ipinagmalaki nya na kahit barong-barong lang ang kanilang bahay ay nakapagtapos ito ng kolehiyo at ngayon ay ganap ng Engineer.

Source: Crystalle Mae Manalo/ Facebook

Ito ang naging pagbabahagi ni Crystalle sa kanyang social media account:

"Nanay: Okay lang kaya yan na sa barong barong natin ilagay yang tarpaulin mo? Makikita ng mga tao na tagpi-tagpi yung bahay natin?

Me: Nay, yan ang pinakamagandang tagpi na nailagay natin. Salamat, Nay...sa lahat."

Matapos nya itong ipost ay umani ito ng paghanga kay Crystalle dahil sa pagsusumikap nitong makapagtapos ng pag-aaral kahit na ganun ang kanilang sitwasyon sa buhay. Si Crystalle ay nakapagtapos ng BS Mechanical Engineering sa Colegio de San Juan de letran-Calamba.

Source: Crystalle Mae Manalo/ Facebook

Nagpapasalamat at lubos ang kagalakan ng Lola ni Crystalle dahil nagpursigi ang kanyang apo sa pag-aaral at masayang-masaya ito na kahit br0ken Fanily ang kanyang apo ay matiyaga itong nag-aral ng mabuti.

Source: Crystalle Mae Manalo/ Facebook

Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.