Mag-asawang naglilibot sa Probinsya ng Bohol upang mamigay ng libreng pabahay sa mga Pilipinong hirap sa buhay
Source: Ronald Casil/Facebook |
Pang-65 na bahay na ang kanilang ipinatayo para ibigay sa mga taong wala nang maayos na tulugan at lalo na sa mga nagtitiis sa mga tagpi-tagping tahanan dito sa probinsya ng Bohol.
Ayon sa mag-asawa, hindi lang hanggang ika-65 ang kanilang gagawin dahil may mga susunod pa ang mga ito at ginagawa na rin para ibigay din sa mga walang maayos na tahanan at matutulugan.
Hindi nila alam kung hanggang saan at ilan ang kanilang mabibigyan ng bagong bahay dahil gusto talaga na makatulong lalong lalo na sa mga kababayan nating mahihirap at para narin makatulog ng maayos ang isang pamilya.
Bukod sa mga binibigay ng bahay may mga pinapa-aral din ang mag-asawa at nasa higit 50 studyante ang kanilang sinu-supportahan. Dagdag rin ang mga allowance, selpon, Laptop, Printer at iba pa. Pinagawan din nila ng Boarding House ang kanilang mga studyante upang hindi na ito mahirapan sa pag-uwi sa isla.
Source: Furry Category
No comments