Header Ads

Tatay, ibinili ng bagong sapatos ang anak gamit ang naipong pera sa alkansya



Ang pagmamahal ng isang magulang para sa kanilang mga anak ay tunay na walang katapat. Walang anumang kalaking halaga ng pera o kayamanan ang makakatumbas dito.

Isa na ngang patunay rito ang sikat ngayon na mga larawan ng isang ama kasama ang kanyang anak habang nasa loob ng isang tindahan.


Makikita sa nasabing mga larawan na si tatay ay tila may binibilang habang sila ay nakapila sa cashier. Ayon sa post ng Facebook page na Definitely Filipino, binilhan daw pala ni tatay ng sapatos ang kanyang anak na siyang kasama niya sa larawan.

Ang perang ginamit ni tatay ay ilang taong ipon niya mula sa kanyang alkansya. Kita sa larawan si tatay habang binibilang niya ang mga barya pala sa harapan ng cashier na galing pa sakanyang alkansya.




Kita rin sa mukha ng ama ang kasiyahan at matamis na ngiti dahil sa wakas ay mabibili niya na ang pangarap na sapatos ng kanyang anak. Hindi naman nagbigay ng detalye ang nag post ukol sa presyo ng sapatos.

Ayon pa nga sa post, sabi daw ni tatay na hanggang siya ay nabubuhay ay hinding-hindi siya mapapagod at magsususumikap siya itaguyod ang kanyang anak sa marangal na paraan at gagawin rin niya ang lahat para mapasaya ito.




Hindi man ito malaking bagay, pero dahil mula ang pera sa kanyang pinaghirapan ay nakakataba ng puso ang ginawang ito ni tatay. Ika nga nila, “it’s the thought that counts” kaya saludo kami sa iyo, tatay.

Ang kabutihan ng iyong puso at ang pagiging mabuting tao ang siyang magdadala sa inyong pamilya sa kaunlaran.

Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.