Header Ads

Isang netizen humihingi ng tulong para sa isang lalaki na my problema sa paningin at kuba, nakatira lamang kasi siya sa kulungan ng bab0y at walang kasama

Source: Angel Mae Tare / Facebook

Ngayong panahon ng pandemya marami sa ating mga kababayan ang nawalan ng trabaho. Ang ilan sa atin ay umaasa na lamang sa ayuda na matatanggap mula sa gobyerno o mula sa tulong ng iba pa nating mga kababayan ng nakaka angat sa buhay.

Ngunit para sa isa nating kababayan sa Cabcab, Isabela, Negros Occidental, tila ay nakalimutan na siya ng panginoon. Sa facebook post ni Angel Mae Tare, humihingi siya ng tulong sa may mga mabubuting loob na matulungan si Atan. Si Atan ay isang hindi masiyadong makakita at kuba na nakatira na lamang sa kulungan ng baboy.



Mapapansin sa mga larawan na nakahiga lamang siya sa sahig, walang higaan, walang unan o kumot man lamang. Hindi rin tayo sigurado kung paano pa siya nakakakain dahil sa kanyang kapansanan.



Dahil sa post na ito, maraming mga netizen ang nahabag at humihingi ng tulong kay idol Raffy Tulfo. Sana nga ay makaabot ito sakanya dahil hindi na makatao ang buhay ni Atan. Marami ang nagtatanong kung nasaan ang kamag-anak ni Atan at bakit pinabayaan na lamang siya ng ganun.

Sa ngayon, umaabot na sa 43,000 shares ang post. Maraming netizens rin ang nagbigay ng kanilang komento sakanyang kalagayan.

Lorna: Baka d sya taga dyan,grabe naman kung makatao ka kahit higaan lang at ilapit sa DSWD tulungan yan nila mga kapitbahay malayo ba

Kris: kawawa nman,saan mga pamilya nito khit mga kpatid o pinsan..sana po my mka pansin na mga public servants..

Agnes: Dpt bago ibang tao sa malalayong lugar ang tumulong sa knya,dpt kau muna po.kc kau ang nakakakita sa knya jan...kupkupin nyo po muna lalo sa brgy.nyo...bgyan nyo po muna cya ng pansamantalang tulong...alam nyo n nga po na kawawa cya eh...opinyon q lng po yan,kc kung aq makakita ng taong need ng help kht mahirap lng kami.kukupkupin q po muna ang tao

Litz: Saan na kaya ang mga magulang at kapatid niya kahit kamag anak pwd naman patirahin sa bahay nila, huwag lang sa kulongan ng hayop kawawa naman po.

Hanggang ngayon ang naghihintay parin tayo ng update mula sa nag post kung ano na ang kalagayan ni Atan.



Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.