Siyam na taong gulang na estudyante, Ibinebenta ang kanyang mga medalya para may pambili ng pagkain at makatulong sa kanyang nanay
Source: |
"Mga medals ko po. Binebenta ko po ito. Baka po may gusto. Bente-bente lang po. Salamat po."
Ito ang nakakaantig na salaysay ng Grade 4 student na si Kenneth habbang nilalako ang kanyang mga medalya na kanyang natanggap bilang parangal sa eskwelahan. Para makatulong sa pamilya at mayoong pambili ng pagkain, kaya naman naisipan niyang ibentang ang 50 medalya.
Dahil sa pandemya, nawalan ng trabaho ang kanyang ina. Sa edad na siyam, ramdam niya ang hirap ng buhay at ng pagtaguyon ng kanyang ina sa kanilang pamilya. Kaya naman upang makatulong, sinakripisyo niya ang kanyang mga tinatagong mga medalya.
Nahihirapan po ako nung nahihirapan din po si mama. Iniisip ko lang po, kung makakabayad pa ba kami ng bahay kasi po, pag hindi pa kami nakabayad, papalayasin po kami dito.
Source:
Isang security guard at housekeeper ang mama ni Kenneth na si Cheryl Mendoza. At nang magka-pandemic, natanggal siya sa kanyang trabaho at nabaon narin sila sa utang.
Single mom si Cheryl at mag-isa niyang itinaguyod ang kanyang dalawang anak. Iniwan sila ng ama ni Kenneth at dahil ayaw niya ng gulo, itinaguyod na lang niyang mag-isa ang kanyang mga anak.
Kuwento ni Cheryl, kahit madalas ay wala siyang oras sa kanyang mga anak dahil sa trabaho, masipag at matalinong mag-aral si Kenneth.
Source:
Itong darating na pasukan, hindi pa sigurado kung makakapag-enrol si Kenneth dahil sa online class ang gagawin na setup. Mas kailangan nila ang pera pang-kain sa araw-araw at pambayad ng renta sa bahay kaysa ibili ng mga gadget na kailangan sa online class.
Maraming netizens ang naantig sa ginawa ni Kenneth.
Source:
Kaya naman upang hindi na tuluyang ibenta ni Kenneth ang kanyang mga medalya, ilang netizens ang nag-paabot sa kanila ng tulong.
Isa na dito si Pinky, nagbigay siya ng bigas at iba pang pagkain para sa mga bata.
Isang netizen rin ang may mabuting kalooban ng nagbigay ng laptop para kay Kenneth at sa kapatid nito para magamit sa online class sa darating na pasukan.
Ayon kay Dr. Khristian Santos na nagbigay ng laptop, nakita niya ang potensyal ni Kenneth kaya niya ito tinulungan.
Sinagot na rin ng programang 'Kapuso Mo, Jessica Soho' ang pang-internet nila Kenneth.
Panoorin ang buong episode:
Source: Furry Category
No comments