Header Ads

Flight Attendant na pansamantalang nawalan ng trabaho hindi ikinahihiyang maging Fishball Vendor muna

Source: Lorrie May Parungao

Isa ang industriya ng turismo sa mga pinaka naapektuhan ng pandemyang hatid ng C0VID-19. Higit na apektado ang mga empleyado ng mga airline companies.

Marami sa mga bansa ngayon ang hindi parin nagbubukas para sa turista kaya naman halos walang flights ngayon sa buong mundo. Ito ay hakbang ng mga bansa upang maiwasan ang maiblis na pagkalat ng sakit.

Kaya naman marami sa mga empleyado galing sa mga airline companies ang pansamantalang nawalan ng trabaho. Ang masaklap pa ay marami rin ang tuluyan ng nawalan ng trabaho at umaasa na lamang sa ayuda.

Isa sa mga empleyadong nawalan ng trabaho ay ang flight attendand na si Lorrie May Parungao. Siya ay FA ng Pan Pacific Airlines.

Bilang isang bread winner sa kanyang pamilya, isang malaking pagbusok para sa kanya ang pansamantalang mawalan ng sweldo na maibibigay sa kanyang pamilya.

Source: Lorrie May Parungao

Ngunit imbes na mawalan ng pag-asa, nag-isip ng ibang paraan si Parungao upang magkaroon ng pansamantalang pagkakakitaan. Hindi siya sumuko sa sitwasyon at naghanap ng solusyon.

Dahil galing siya sa middle class na pamilya alam ni Parungao ang hirap ng buhay kaya naman hindi siya nahiyang pasukin ang pagbebenta ng fishball.

Ayon sa kanya ay walang dapat na ikahiya sa ganitong trabaho dahil marangal naman ito at nakakapag bigay ng sapat na kita para maitawid ng pang araw-araw na pangangailangan.

Source: Lorrie May Parungao

Basahin ang kanyang buong post:

"Kinalakihan at nakasanayan pagtitinda kailanman ay hindi ikakahiya.

Despite this pandemic that has affected employment worldwide especially the flying industry, nothing will stop me from continuing to look and provide the best for my family.


Fishball business muna habang lockdown, ito ang bagay na ng buhay sa aking paglalakbay patungo sa pagiging F.A. Maramaing salamat sa Aking mga magulang na akoy inying minulat sa maraming kasanayan sa buhay na aking madadala saan man at kailan man.


From a simple family vendor and a farm earning family, di ko kailanman ito Ipag-kakaila. Hanap buhay parin para sa pamilya at pinaka mamahal na anak.

Never Let your past experiences be a hindrance to your future and dreams.

Always be grateful for all that have happened in our lives. It will be our fuel for our dreams. Never forget where we came from, it will always lead and teach us to aim and soar high."

Source: Lorrie May Parungao


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.