Wow: Anak ng Security Guard at Labandera, nakapagtapos sa La Salle.
Larawan ay mula sa Google |
Ang De La Salle University ay isa sa mga pinakamahal na unibersidad sa Pilipinas, At sikat na paaralan ng mga mayayaman. Ngunit hindi lamang ito eksklusibo para sa mga mayayaman dahil isang anak ng security guard at labandera ang nakapatapos dito.
Sa twitter account ni Reinn ay ibinahagi niya ang kwento kung papaano siya nabigyan ng pagkakataon na makapag aral sa isang sikat at mamahaling unibersidad sa kabila ng kakapusan sa pera.
Si Reinn ay isang registered Medical Technologist at Wattpad pop fiction writer.
Hindi naging hadlang ang kahirapan para makapagtapos si Reinn sa kanyang pag-aaral, kundi naging inspiransyon niya ito upang lalong niyang pagbutihin ang kanyang pag-aaral.
Ikinuwento ni Reinn ang mga pagtitiis at pagsubok na hinarap niya at ng kanyang pamilya na naging daan kung papaano siya nahulma sa kung ano siya ngayon.
Hindi man nakapagtapos ng kolehiyo ang kanyang mga magulang, tinuruan naman nila si Reinn ng pagpapahalaga sa pag-aaral dahil alam nila na ito lamang ang kanilang maipapamana sa kanya.
“I survived 4 years in La Salle with my dad being a security guard and my mama having no work,” sabi Reinn sa kanyang unang Tweet.
“At a young age I’ve always believed that ‘ang edukasyon ang kaisa-isang bagay na hindi mananakaw ninoman’, so at young age, I took that as my foundation to strive harder in studying even if we are a really poor.”
Si Reinn ay nakatanggap ng scholarship para sa kolehiyo dahil naging Salutatorian ito pagka-graduate ng high school. Ngunit hindi pa rin niya lubos maisip na makakapag-aral siya sa La Salle dahil marami pa siyang kailangan bayaran katulad ng damit, pagkain, pamasahe, allowance, libro at marami pang iba.
“I studied in public school when I was in Elementary, and was granted with a scholarship in high school because I graduated Salutatorian. Tho I'm a scholar, I still have miscellaneous fees to pay, and my dad worked hard for it. I got other scholarships.”
“I never really thought of going into any La Salle School or University. It wasn't even my dream school. Almost a hundred thousand tuition fee, how am I supposed to pay that with my dad being a security guard and my mama having no work at all. But then God really provided.”
Sa kanyang pag-aaral sa mamahaling eskwelahan, hindi umasta si Reinn na mayaman, sa halip ay ibinahagi pa niya ang kanyang kwento sa mga kaklase, dahilan upang makahanap siya ng totoong mga kaibigan na tinanggap siya.
"I never hesitated to tell them my dad is a security guard and my mama doesn't work. It was very right because I've found real friends for that. I don't need to act I'm rich (which I never really planned.")
Ayon kay Reinn, siya ang kauna-unahang nakapagtapos ng kolehiyo sa kanilang pamilya.
Source: thedailysentry.net
Source: Furry Category
No comments