Header Ads

Babae nanakit ng traffic enforcer at sibilyan

Larawan ay mula kay Jayson Boongaling - Facebook 

Isang babaeng nagwawala ang nag-viral sa social media matapos itong makuhanan ng video na nanakit ng mga traffic enforcer at mga nadaan sa kalsada sa Jupiter Street, Makati City.

Sa naging kwento ni Jayson Boongaling na siyang kumuha ng video, nanggulo na lang umano bigla ang babae.

Umiinom umano ng buko ang babae at biglang pumunta sa intersection.

Nang pinapaalis siya ng mga traffic enforce, ay bigla na lamang ito nag-wala. Doon niya sinaktan at pinagpapalo ang mga traffic enforcer.

Hindi mapigilan ng enforcer ang babae kaya noong may mapadaan na biker ay bigla din nitong sinaktan at pinagpapalo ng payong. Ang biker ay nagtamo ng sugat sa leeg.

Matapos ay pinulot niya ang kanyang sapatos at may mga iba pang pinupulot sa gitna ang kalsada, ng magbusina ang mga sasakyan na naabala niya ay hinampas niya ng payong ang isang sasakyan.

Hindi pa na kuntinto ang babae at pinagpatuloy ang pagwawala kaya naman napilitan ng pusasan ng mga traffic enforce ang babae.

Nakapusas na ang babae ngunit hindi pa rin mapigilan at naglakad na papalayo.

Dagdag ni Jayson Boongaling, dumating daw ang mga pulis at dinakip na ang babae at magsasampa rin ng kaso ang lalaki naka-bike na nagtamo ng sugat sa papanakit ng babae.
Larawan ay mula kay Jayson Boongaling - Facebook

Dahil nag-viral ito ay nagtamo ng napakaraming negatibong komento.

Basahin ang mga ibat ibang komento ng mga netizen marami ang nagalit sa babae ngunit marami ding natanggap ng negatibong komento ang mga traffic enforcer.




Mga Larawan ay mula sa Facebook




Source: Jayson Boongaling - Facebook


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.