Header Ads

Isang rider ng motorsiklo ang hinuli dahil walang suot na helmet, Pero isang empleyado ng munisipyo pinagbigyan ng enforcer

Source: Viral NOW

Usap-usapan ngayon sa social media ang video ng isang rider habang siya ay binibigyan ng ticket dahil sa paglabag sa batas trapiko. Hinuli siya dahil wala umano siyang suot na helmet habang nakasakay ng motorsiklo.

Ayon sa Republic Act no. 10054 Section 7:

(a) Any person caught not wearing the standard protective motorcycle helmet in violation of this Act shall be punished with a fine of One thousand five hundred pesos (Php1,500.00) for the first offense; Three thousand pesos (Php3,000.00) for the second offense; Five thousand pesos (Php5,000.00) for the third offense; and Ten thousand pesos (Php10,000.00) plus confiscation of the driver's license for the fourth and succeeding offenses.

Maririnig ang hinaing ni kuya sa video dahil may kasabay siyang nahuli na wala ring helmet ngunit pinakawalan at hindi ito binigyan ng ticket dahil daw empleyado ito ng munisipyo.

Enforcer: Guwardiya un sa city hall. Kasamahan nga namin un.

Rider: Walang ganung batas sir.

Enforcer: Grabe ka huhuliin namin kasamahan namin? Ano ka ba? Dagdagan mo nga yan ticket niya, Arrogant driver. Oh ano ka ngayon? Kinukwestiyon mo panghuhuli namin kuya. D tama yan. Mali ka na, naninilip ka pa eh kasamahan nga namin un. Huwag mo na kami ano, ineenterogate mo pa kami.

Natapos ang video pero patuloy pa rin ang katwiran ng enforcer na walang mali sakanilang ginawa.

Ikinagalit naman ito ng maraming netizens dahil malinaw raw na mali ang katwiran ng enforcer:

Ghelo: This traffic enforcer, dont know how to implement the traffic rules and regulations. I'm sorry to this traffic enforcer, he is not suitable to wear that uniform. This video need immediate action by the local government where he is employed.


Robert: kyo nga ang dapat maging role model ng batas bkit hindi mo huhulihin ung kasamahan mo e kung mali ang ginagawa?ibig sabihin yan ang turo ng mayor nyo na kahit malia ang mga kasamahan mo e hindi mo huhulihin, aba e nkakahiya naman ang mayor nyo kung ganyan ang ipinatutupad na batas dyan sa inyo!!!


Jamesrey: Kahit kasamahan nyo pa yan kung may pinapatupad kayo batas dapat nyo parin hulihin.para mabigyan ng tamang disiplena dapat pantay pantay pag dating sa batas na pinapatupad.forget kasamahan nyo ayaw nyo hulihin kahit alam nyo hinde na sumunod sa pinapatupad nyo batas..


Nova: Sa bibig na rin nila nanggaling. Nakapag-kasamahan nila...walang huli huli. Paano aasenso at susunod ang tao sa kanila, kung sila mismo ang sumisira sa pinatutupad nilang batas. Tama ba yun?

Panoorin ang buong video:


Source: Viral NOW

Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.