Header Ads

Sari sari Store nasa ikatlong palapag ng bahay. Meron kayang bibili?


Larawan ay mula kay Jose Coyoca Nalda - Faceboook

Ayon sa Facebook post ni Jose Coyoca Nalda, bahay ng isang netizen ay nasa ikatlong palapag ngunit hindi ito naging hadlang para makapag patayo siya ng kanyang munting negosyo.

Isang sari sari store ang kanyang ipinatayo at ang kanyang mga paninda ay naka display sa kanilang bahay na makikitang nasa ikatlong palapag ito.

Tanong ng marami paano kaya siya makakabenta?

Dahil sa pamamaraan at kakainbang estilo ng pagtitinda ng may-ari ng tindahan ay nakakabenta siya kahit nasa ikatlong palapag pa ang kanyang tindahan.

Madiskarte tindera dahil nagkakaroon siya ng mga promo sa kanyang sari sari store upang tangkilikin ng mga mamimili at makahikayat pa ng mas maraming mamimili.
Larawan ay mula kay Jose Coyoca Nalda - Faceboook

Basahin ang kabuoang post ni Jose Coyoca Nalda sa kanyang Facebook account:

"Masdan maige ang larawang ito. Nasa 3rd floor po ang tindahan niya na nilagay nya sa bahay/kwarto niya. Meron kaya bibili?

Ang kanyang diskarte ay nagpapa free 10 pesos load syang twing ikaw ay bibili sakanya ng worth 200 pesos na items. Meron ding suki card siyang ibinibigay sa mga taong nakaka 10th times na bili sakanya kaya naman ang mga tao sa paligid nya ay lagi siyang inererefer sa ibang tao hangang sa siya ay nakilala ng lubusan bilang sari sari store na madiskarte.

Maraming tao kadalasan kaya hindi kumikita kase siguro ay puro ANALYZE kaya po NAPAPARALYZE.

Pwesto ba talaga ang problema? Laki ba ng pwesto ang problema? Itsura ba ang problema? O ung mismong may ari na kulang lang sa diskarte?"

Napakagaling ng kanyang naisip na paraan diba?
Sabi nga nila pag gusto may paraan pag ayaw maraming dahilan!




Source: Jose Coyoca Nalda - Faceboook

Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.