Batang inabandona noon, isa na ngayong Scientist sa Amerika
Larawan ay mula sa thedailysentry |
mingay muli ngayon sa social media ang balitang ipinainom umano ng isang guro mula sa Thailand ang kanyang ihi sa kanyang 30 estudyante dahil isa raw itong “holy water” mula sa isang temple.
Larawan ay mula sa thedailysentry
Noong Agosto 26, 2019, umapela ang isang medical consultant na si Doctor Phoomphet Dethastin sa Teachers Council of Thailand sa Facebook upang imbestigahan ang isang school teacher sa Khon Khaen province matapos madiskubreng palihim niya raw na inihalo ang kanyang sariling ihi sa tubig upang ipainom sa kanyang mga elementary school students.
Larawan ay mula sa thedailysentry
I-p-in-ost daw kasi ng nasabing guro ang tungkol sa “magic water” kung saan sinabi niyang nakapagpagaling daw ito ng sakit ng tiyan ng isang bata, 30 minuto matapos niya raw inumin ito. Inamin niya ring naipainom niya na rin sa kanyang 30 pang mag-aaral ang naturang concoction na may halo ring ihi – sinabi pa niyang ang naturang likido ay isang “holy water” na nagmula pa sa isang templo.
Larawan ay mula sa thedailysentry
Dahil dito, nagalit ang mga netizens nang malamang nagsisinungaling ang naturang guro sa kanyang mga estudyante “just to satisfy his sickening health obsession.” Ilang mga netizens naman ang nabigla at nagulat na may mga nabubuhay raw na “halimaw” tulad niya.
“Do you believe this? I’m surprised that there are people like this,” ani ng isang netizen.
May ilan namang nagsasabing dapat na sinubukan na lamang ng guro na i-test sa kanyang sarili ang kanyang “experiment” at hindi na raw sana dapat pang nandamay ng mga bata – lalo na’t mayroon siyang gampanin bilang isang tagapagturo.
Larawan ay mula sa thedailysentry
Sa kasamaang palad, hindi lang daw ito ang kaso ng isang “psycho sneaking urine into consumable goods” na hindi nalalaman ng mga consumers.
Mayroon kasing isang noodle vendor ang nag-post din tungkol sa kanyang inilagay na “special ingredient” sa kanyang soup na nagbigay raw ng ginhawa sa kanyang mga customer mula sa sakit na nakuha nila mula sa kanilang mga trabaho. Napaulat ding nagpasya siyang ihalo ang kanyang ihi sa nasabing soup “to avoid any misunderstandings if customers were to find out.”
Ang mas nakagugulat pa, gayunpaman, ay nang ipinamalita ng kanyang mga customers na guminhawa raw ang mga sakit na nararamdaman nila matapos ang kaganapang ito.
Larawan ay mula sa thedailysentry
Kung ang iba ay naniniwalang ang pagkonsumo raw sa ihi ay nakapagpapalakas ng immune system at nakapagpapagaling ng muscle soreness, ibinahagi ni Doctor Phoomphet sa kanyang Facebook account na i-debunk na ang mga nasabing helath myths na ito. Ginamit lang daw ang mga “extreme solution” na ito noong ancient times kung saan wala pang mga modern medicine na makatutulong sa mga taong pag-usapan ang iba’t ibang health issues.
Source: thedailysentry
Source: Furry Category
No comments