Boy tapang kumain ng Bat Soup "Basic lang sakin ito, Takot sakin ang C0VID"
![]() |
| Larawan ay mula sa Mga Youtube Video ni Boy Tapang |
Paano kung ang fina-follow mong vlogger ay nag-mukbang ng kanyang paboritong pagkain? Hindi ‘yong karaniwang kinakain ng mga nagmu-mukbang, ha? ‘Yong kakaiba – tulad ng mga exotic foods at hindi patay o luto, kung hindi buhay! Matatakam ka pa ba o mandidiri ka na?
Tulad na lamang Ronnie Suan ng Cebu alyas Boy Tapang dahil sa kakaibang pagkain ang minumukbang, kung sa mga pangkaraniwang mukbangers ay masasarap at nakakatakam na mga pagkain ang minumukbang, ibahin niyo raw si Boy Tapang dahil kakaiba ang mga minumukbang kundi mga buhay na insekto at mga nakakadiring lamanlupa gaya ng bulate at iba pang - mga buhay na exotic foods!
Larawan ay mula sa Mga Youtube Video ni Boy Tapang
Larawan ay mula sa Mga Youtube Video ni Boy Tapang
Larawan ay mula sa Mga Youtube Video ni Boy Tapang
Muli na naman nagpasiklab si Boy Tapang sa kanyang bagong video na kumaikain siya ng Bat Soup.
Ngayon dahil nagkakagulo ang mundo dulot ng pandemic at isa sa mga pinaghihinalaang pinagmulan nito ay ang pagkain ng mga Chinese ng bat soup ay aba! Hindi niya ito kinakatakutan bagkus gumawa siya ng sarili niyang bersyon at nag-mukbang ng bat soup at papatunayang pati ang C0VID-19 ay walang laban sa kanya.
Sa kanyang video sinabi ni Boy Tapang na request daw ng kanyang mga viewers.
"Ito na ang request niyo, basic lang sa akin ito. Sabi nila galing daw sa paniki ang C0VID syempre tako sila sa akin dahil imortal ito"
Ayon pa kay Boy Tapang masarap daw ito at lasang sinigang.
"Masarap Lasang sinigang"
Sarap na sarap nga si Boy Tapang at naubos niya ito.
Sa huling bahagi ng video ay binati ni Boy Tapang ang kanyang mga bashers.
"Sa lahat ng bashers ko dyan I love you Nanggigil ako sainyo hmmm!"
Source: Boy Tapang - Youtube Channel
Source: Furry Category




No comments