Isa na nga bang ganap na Abogado ang dating PBB Winner na si Myrtle Sarrosa
![]() |
| Mga larawan ay mula sa Google |
Kahit na gaano pa kasikat ang isang artista, hindi pa rin maikakailang patuloy pa rin sila sa pangangarap sa buhay. Isa na sa mga pangarap na ito ang makatuntong sa entablado habang tinatanggap ang diplomang katibayan na siya ay nakapagtapos na sa kanyang pag-aaral, kahit na naging abala siya sa kanyang pagiging artista.
Patunay na nga rito ang dating Pinoy Big Brother (PBB) Teen Edition 4 Grand Winner na si Myrtle Sarrosa. Ginulat niya ang kanyang mga tagahanga dahil sa panibagong career na tinahak niya – ang makapagkamit ng karangalan sa isang prestihiyosong unibersidad, dahil ganap na siyang nakapagtapos sa kanyang pag-aaral.
At sa kasalukuyan ay isa na ngang ganap na abogado si Sarrosa.
Sa isang post ni Atty. Ferdinand Topacio, ibinahagi niya ang pag-welcome nila kay Sarrosa bilang isa sa mga bagong dagdag sa kanilang law office.
“Topacio Law Office is proud to announce its newest law partner, Atty. Myrtle Sarrosa.”
Dahil dito, hindi napigilang humanga at bumilib ng mga netizens kay Sarrosa. Marami na rin ang nagpa-abot ng kanilang regards at pagbati sa maituturing na muti-talented artist na ito dahil sa panibagong achievement na nakamit niya sa kanyang buhay.
Sa kabila ng mga pagbating ito, may ilan pa ring nag-aalinlangan at nagdadalawang-isip kung totoo nga ba ang post ni Atty. Topacio. May ilan kasing nagsasabing kaka-graduate lamang ng dalaga at hindi raw nila nakita ang pangalan nito sa listahan ng mga bar passers.
Subalit kung pagbabasehan nga lamang ang talino at galing na taglay ni Sarrosa, hindi naman imposible at hindi maikakailang makapagtatapos siya ng kanyang pag-aaral at kalaunan ay makukuha niya ring pumasa sa bar exam.
Maliban sa pagiging PBB grand winner, si Sarrosa ay isa ring aktres, cosplayer, host, singer at song writer. At makalipas ang walong taon niyang pananatili bilang isang Kapamilya sa ABS-CBN, ganap na siyang naging GMA artist nang pumirma siya ng kontrata sa network na ito noong February 21, 2020.
Source: famoustrends.net
Source: Furry Category








No comments