Header Ads

Isang kasambahay, nagtapos ng pag-aaral bilang magna cum laude sa edad na 30

Larawan ay mula sa thedailysentry


Viral ngayon sa social media ang kuwento ng isang kasambahay na nakapagtapos ng pag-aaral bilang magna cum laude.

Talaga nga namang nakaaantig ng puso ang buhay ni Grace Labradoe Bacus. Nagmula siya sa isang payak na pamilya. Habang lumalaki, nakita niyang hindi siya kayang pag-aralin ng kanyang mga magulang ng kolehiyo dahil siyam silang magkakapatid at sakto lamang ang kinikita ng kanyang ama para sa kanilang pangkain.
Larawan ay mula sa thedailysentry

Pangatlo si Bacus sa kanilang magkakapatid. Nang makatapos ng high school, namasukan agad siya bilang katulong para makaipon para sa pangkolehiyo at makatulong na rin sa mga nakababatang kapatid.

Sa edad na 26 ay bumalik siya sa pag-aaral at kumuha ng kursong Bachelor of Secondary Education Major in English sa Talisay City College.
Larawan ay mula sa thedailysentry

Ngunit hindi naging madali ang pagbabalik-eskwela ni Bacus dahil kinakailangan niyang alagaan ang mga mas batang kapatid. Salitan silang mas nakatatanda sa pagbabantay dahil ang kanilang mga magulang ay patuloy na naghahanap-buhay.

Ito ang dahilan kung bakit madalas lumiban sa klase si Bacus at napagsasabihan din siya ng kanyang guro ng masasakit na salita.

“You’d better quit school because you don’t need a degree to take care of children,” sabi umano ng kanyang guro.

Maaaring nakapanghina sa loob ni Bacus ang mga sinabi ng kanyang guro pero mas lalo siyang nagpursige at ginamit niya ito bilang lakas at inspirasyon upang maabot ang pangarap at magtagumpay.
Larawan ay mula sa thedailysentry

Larawan ay mula sa thedailysentry

Pahayag pa ni Bacus sa kanyang Facebook account, “Yes, word for word, I could still hear you say that. It was engraved in my heart. That the person I expected to understand me was the same person who broke me into pieces for she was supposedly my ADVISER, my second parent.”

Dahil sa naging karanasan, nangako si Bacus na hinding-hindi niya ito gagawin sa mga magiging estudyante niya. Bagkus, sila ay kanyang uunawain at tutulungan upang maabot ang minimithing pangarap.

Isa si Bacus sa mga patunay na walang makahahadlang sa taong may nais abutin. Hindi siya nagpadala sa sinasabi ng ibang tao at sinamahan niya pa ng determinasyon ang pagsungkit sa pinakaaasam na bituin.



Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.