Kuha sa CCTV Footage ang papanakit ng isang Nanny sa isang s@nggól
![]() |
| Screenshot mula sa video post ng OMGVoice - Facebook Page |
Hinuli ng mga pulis ang isang 71 anyos na Ghanaian nanny matapos mabunyag sa mga CCTV footages na inaabuso niya ang isang s@nggól habang wala ang mga magulang nito.
Screenshot mula sa video post ng OMGVoice - Facebook Pa
Kinilala ang suspek bilang si Abena Yeboah at makikita rin siya sa isang footage na sinasaktan ang b@tá.
Sa video na ipinost ng Facebook page na OMGVoice, napapanood sa isang cell phone ang footage na kung saan makikitang umiiyak ang b@tá habang pinapalitan siya ng diaper. Maya-maya pa, inihampas ng nanny ang diaper sa mukha ng bátá.
Maririnig sa video post ang iyak ng isang babae habang sinasabi ang “Oh my God! I wanna go home.”
Binigla pa ng nanny na paupuin ang b@ta na patuloy pa rin sa pag-iyak. Ilang sandali pa’y kinandong ni Yeboah ang bat@ para pakainin ngunit niyugyog niya muna ang bibig nito.
Screenshot mula sa video post ng OMGVoice - Facebook Pa
Screenshot mula sa video post ng OMGVoice - Facebook Pa
Matapos itong madiskubre, agad na ini-report si Yeboah sa awtoridad at hinuli ng NYPD officers.
Screenshot mula sa OMGVoice - Facebook Pa
Komento ng isang netizen, “Lessons to parents. Be very observant & careful with you kids. Monitor signs to prevent any form of abuse either at school or at home. What this woman did is pure wickedness…”
Dagdag pa ng isa, mas minabuti na lang sana ng nanny na mag-resign sa trabahao kaysa abusuhin ang inosenteng b@ta.
Source: OMGVoice - Facebook Page
Source: Furry Category





No comments