Header Ads

Kilalanin ang napakagandang anak ni Anjo Yllana

Mga larawan ay mula sa mikaelayllana - Instagram


Napakarami nang mga komedyante ang tumatatak sa bawat manonood. Ito ay dahil malaki ang nabibigay nilang saya at tuwa. Sila ang nagsisilbing instrumento upang kahit papaano’y maging masaya ang mga manonood kahit na sila ay may dinadalang problema.

Isa na rito si Anjo Yllana. Isa siyang aktor at komedyante na naging sikat sa kanyang henerasyon, dahil na rin sa kanyang mga jokes at comedy movies.
larawan ay mula sa mikaelayllana - Instagram


Masasabi ring marami ang humanga sa naging career ni Anjo, dahil na rin sa taglay niyang talento bilang comedian actor.

At ngayon, tila nagiging malapit naman sa pagiging artista ang panganay nitong si Mikaela o Mika, dahil maraming netizens ang nakakapansin sa kanyang angking kagandahan.
Si Mikaela Yllana ang panganay na anak nina Anjo at Jackie Manzano. Ang kanyang mga kapatid ay sina Jamie, Nathan, at Andie.
larawan ay mula sa mikaelayllana - Instagram

larawan ay mula sa mikaelayllana - Instagram

Dahil na rin marahil sa pagkakaroon ng good-looks ng kanyang mga magulang, tila namana ito ni Mikaela. Marami na nga ang humahanga sa ganda ng dalaga.

Ngunit kahit dumarami na ang mga tagahanga ng dalaga, tila hindi naman siya interasadong pumasok sa mundo ng showbiz dahil mas gusto niyang bigyan ng oras ang pag-aaral.
Sa katunayan, nagtapos na ng high school si Mika sa Miriam College High School, at kasalukuyang nag-aaral ng kolehiyo sa Ateneo De Manila University.
larawan ay mula sa mikaelayllana - Instagram

larawan ay mula sa mikaelayllana - Instagram

Maliban sa pagiging abala sa pag-aaral, sinusubukan din ng dalaga ang pagiging isang modelo. Alam niya kung paano dalhin ang kanyang outfit na talaga namang bumabagay rin sa kanya.

Makikita sa mga social media accounts ni Mika ang minsang pagbibigay niya ng updates sa kanyang mga tagahanga: tulad ng pag-eenjoy sa bakasyon at kung minsan ay sa mga okasyon. Isa rin sa mga hilig ni Mika ay ang paglabas at pamamasyal kasama ang kanyang mga kaibigan.
larawan ay mula sa mikaelayllana - Instagram


larawan ay mula sa mikaelayllana - Instagram


Ano man daw ang maging desisyon ni Mika sa buhay, handa siyang suportahan ng kanyang mga magulang lalo na kung ito ay nakabubuti para sa kanya.



Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.