Rider ibinur0l habang nakasakay sa paborito niyang motorsiklo at nakasuot ng protective suit.
![]() |
| Mga larawan ay mula sa thedailysentry |
Kapag nababanggit ang salitang “lamáy”, agad na pumapasok sa isipan natin na ang yumaong tao ay nasa loob na ng kabaong. Sa ibang pagkakataon, ang katawan ng isang yumao ay kine-cremate.
Ilan lamang ito sa mga tradisyonal na pamamaraan ng naiwang pamilya upang ipakita ang pagmamahal sa mga huling sandali ng yumáong mahal sa buhay.
Subalit, sa bansang Puerto Rico, may kakaibang ginawa ang isang pamilya sa katawan ng kanilang kapamilya na si David Morales Colon.
Larawan ay mula sa thedailysentry
![]() |
| Larawan ay mula sa thedailysentry |
Ang Marin Funerál Homes sa San Juan, Puerto Rico ay kilala sa paggawa ng kakaibang klase ng pagbubur0l base sa hiling ng pamilya ng namátáy.
Larawan ay mula sa thedailysentry
Larawan ay mula sa thedailysentry
Larawan ay mula sa thedailysentry
At ang hiling ng pamilya ni David ay maibur0l siya ng may kaugnayan sa hilig nito sa pagmomotor.
Tinupad nga ito ng funerál. Sinuotan nila si David ng protective suit at ng salamin sa mata habang nakasakay sa paborito nitong motorsiklo na Honda CBR600. Ang motorsiklong ito ay regalo raw ng uncle ni David sa kanya.
Ayon sa artikulo ng thedailysentry, si David ay tatlong araw lamang ibinur0l bago ihatid sa huli nitong hantungan.
22 taong gulang pa lamang si David at hilig niya talaga ang pagmomotor. Ito ang piniling arrangement ng kanyang pamilya sapagkat alam nilang magiging masaya siya dahil sinuportahan nila ang kanyang nais.
Source: thedailysentry
Source: Furry Category





No comments