Header Ads

Mga Foreigners, papayagan nang pumasok sa Pilipinas sa ilang kondisyon.


Larawan ay mula sa pinasbalita

Inanunsyo ng Malacañang nitong Biyernes na papayagan nang makapasok ng bansa ang mga foreign national na mayroong long-term visa sa unang araw ng Agosto.
Larawan ay mula sa Google

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kinakailangang mayroong valid and existing visa ang mga dayuhang papasok ng bansa. Kinakailangan din umanong kumuha muna sila ng pre-booked accredited quarantine facility at C0VID-19 testing provider. Mayroon lamang daw maximum capacity ang maaaring pumasok sa mga daungan sa nakatakdang petsa dahil mas kailangan pa rin daw bigyan ng prayoridad ang mga magbabalik-bansang mga Pilipino.

Magtatakda naman daw ng kondisyon ang government C0VID-19 task force bago payagang makapasok ang mga banyaga sa bansa. 

Hindi lamang mga ordinaryong dayuhan ang tinutukoy nila kung hindi pati na rin ang mga banyagang kinikilala ang bansang Pilipinas bilang kanilang tahanan at may mga permanent residents visa.

Sabi pa ni Roque, kailangan muna raw nilang dumaan sa mga proseso gaya ng PCR testing at quarantine bago tuluyang papasukin ng bansa.
Larawan ay mula sa pinasbalita

“Dadaan po sila sa proseso. Kinakailangan magpa-PCR test sila pagdating nila. At habang nag-aantay ng resulta sila po ay mag-i-stay sa quarantine.”

Nitong nakaraan kasi ay tanging mga Pilipino, asawa’t anak at ilang foreign government, international organization at airlines crew lamang ang pinapayagang makapasok sa bansa. Subalit dahil sa naging pag-aaral at kasabay ng apela ng foreign embassy sa Pilipinas, itinaas ang travel restriction at pinayagan nang makapasok ang mga dayuhan – kung saan ang ilan sa mga ito ay nagtatrabaho at mga permanent residential visa holders.

Gayunpaman, nitong nakaraang linggo, itinaas ng Pilipanas ang ban sa non-essential overseas travel ng mga Pilipino; bagaman, napapailalim pa rin ito sa ilang mga kondisyon gaya ng pagsumite ng kumpirmadong round trip ticket para sa mga magbabiyahe na mga may tourist visa at may mga deklarasyon sa panganib sa paglalakbay.


Source: pinasbalita

Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.