Sinigawan at minur@ ng isang motorista ang mga pulis na humuli sa kanya
![]() |
| Larawan: Screenshot mula sa video post ng ALEX Chavez - Facebook Page |
Sinigawan at minura ng isang motorista ang mga pulis na humuli sa kanya.
Sa Facebook video post ni ALEX Chavez, mababasa ang caption na
“Ang tapang ni kuya,Sarap sapakin.”
“>> napaka tapang mo boy ok na sana pwedi kana umalis kasi nahuli kana. hindi ko alam san ka nahuli pero hindi ka naman na titiketan kasi meron kana pero sabi nung ng huli sayo ganyan din daw ugali mo may ticket kana kaso nag hahamon kappa ng suntukan wala naman ginagawa sayo kinakausap ka naman ng maayos papaalisin kana dapat kaw lang nag hahamon pasalamat ka hindi ka nila pinatulan ikaw na may mali kaw pa matapang.salahat ng rider na kamote wag matapang alam nyong bawal ang open pipe sa Marikina ginagawa nyo pa mabuti nga sayo,” dagdag pa sa caption.
Larawan: Screenshot mula sa video post ng ALEX Chavez - Facebook Page
Sa mga unang bahagi ng video, makikitang tila sinisigawan ng lalaking motorista ang isa sa mga pulis na humuli sa kanya. Sinabi naman ng isang pulis na nakababastos na ang ginagawa ng lalaki.
Maya-maya pa’y tinanong ng motorista ang isa pang pulis ng “Kilala mo ba kung sino ako?” Sinagot siya ng pulis ng pasigaw at sinabing wala siyang pakialam.
Nang tanungin naman siya ng isa pang pulis kung ano ang problema at bakit siya naninigaw, ang isinagot ng lalaki ay kung nasaan na nga ba ang kaso.
Hinihinala ng mga taong naroon na tila may tama yata ang nasabing motorista.
Nang tinanong ng kumuha ng video ang isang pulis kung anong dahilan at bakit tiniketan ang lalaki, open pipe raw kasi ang motor nito: maingay at talagang bawal umano sa kanilang lugar.
Makikita rin sa video na palipat-lipat ng puwesto at palakad-lakad sa kalsada ang nag-amok na motorista.
“Kunin mo na, magsimula na tayo,” ang sigaw ng lalaki na tila ba handang harapin ang kasong isasampa sa kanya kung sakali.
Ilang sandali pa’y dumating na ang iba pang police patrol upang asikasuhin ang nangyayaring kaganapan.
Nang tinawag ang lalaki upang siya’y kausapin, hindi pa rin maganda ang pakikitungo nito sa mga pulis at patuloy pa rin siya sa paglalakad-lakad.
Nang may sumigaw na dakpin na siya, tila nagbabanta pa ang motorista na huwag siyang sisigawan.
Nilalapitan pa rin siya ng mga pulis upang kausapin at sinabi niyang “Pulis ka? Anong problema mo sa buhay, ikaw sumagot. Alam mo, promise.”
At makalipas ang ilang sandali, naposasan na ng mga pulis ang lalaking motorista. Subalit, nahirapan ang mga awtoridad na isakay ito sa police mobile dahil ayaw nitong pumasok.
Sa huli, nahuli rin ang lalaking nag-amok.
Source: ALEX Chavez - Facebook Page
Source: Furry Category


No comments