Mga OFW sa Malaysia, Humihingi ng tulong
Larawan ay mula sa Video post ni Arnel Bobby Garcia Nunez - Facebook |
Sa Facebook live ng netizen na si Arnel Bobby Garcia Nunez, makikita ang isang lalaking tila nagkukuwento ng kanilang sitwasyon. Makikita rin sa video ang iba pang mga OFW.
Ayon sa nagsasalitang lalaki, sila ay nagtatrabaho sa isang kompanya ng Engineering and Construction, at hawak daw sila ngayon ng Hyundai Construction. Silang lahat ay na-terminate umano noong April 29, 2020.
Halos dalawang buwan na raw silang pinapaasa ng kompanya. Bino-book daw sila ng commercial flight at tatlong beses na raw na-cancel ang kanilang flight.
Bukod dito, dalawang buwan na rin daw silang hindi pinapasahod ng kompanya, maski allowance ay hindi umano ibinibigay.
Dagdag pa ng lalaki, “Kaya nananawagan po kami sa embahada ng Pilipinas dito sa Malaysia, Philippine Embassy, POLO, OWWA, na sana’y bigyan niyo rin po ng aksyon ‘yong aming reklamo. Kung paaasahin po kami ng kompanya, kung kailan po ba kami makaka-flight, e baka abutin na po kami dito ng siyam-siyam. Wala na pong pera ang aming mga kasama.”
Nanawagan din ang mga OFW sa gobyerno ng Pilipinas at sa programang Raffy Tulfo in Action. Malaki raw ang tiwala nilang tutulungan sila ng mga ito.
Hiling nila’y mabigyan din sila ng pansin dahil hindi na raw nila alam kung ano ang puwedeng mangyari sapagkat ang ilan umano sa kanila ay nade-depress na sa kaiisip.
“Sana po bigyan niyo po kami ng pagkakataon dito na bisitahin.”
Sa ngayon, ang video ay mayroon ng 671 reacts, 2,397 shares, at 99K views.Source: Furry Category
No comments