Lalaking nag-prank na naghhanap ng Shabu-Shabu Restaurant, Kulong
Larawan ay mula sa Facebook Video - Fireman PH |
Isa sa mga patok na gawain ngayon ang vlogging. Maaari mo kasing ibahagi ang mga bagay na gusto mong gawin o sabihin sa pamamagitan ng pagkuha ng video. Iba-iba ang puwedeng maging content: travel vlogs, mukbang (food vlogs), make-up tips, at iba pa.
Isa rin sa mga nakaaaliw na panoorin ay ang vlog na mayroong prank. Ngunit, hindi talaga maiiwasan na may mga hindi natutuwa sa ginagawang prank.
Sa video prank na ginawa ng Foreigngerms, makikita ang lalaking nagtatanong kung saan maaaring makahanap ng shabu.
Sa mga taong nagdaraan siya unang nagtanong: “Do you know where I can find shabu?”. Sinagot siya na wala raw silang alam tungkol dito.
Sa mga sumunod namang pinagtanungan ng lalaki, natawa na lamang sila nang ipakita ng lalaki ang kanyang cellphone habang tinutukoy ang kanyang hinahanap: ito pala ay Shabu-Shabu Restaurant.
Nang tinanong naman niya ang isang security, sagot nito’y “I have no idea. Try to contact the side car.”
Ipinakita ng lalaki ang cellphone niya sa sekyu at sinabing “You know like Shabu-Shabu?”
“Inside the mall!” sagot ng sekyu.
Ngunit sa dulong bahagi ng video, tila “Shabu-Shabu Restaurant Prank Gone Wrong!”
Lumapit siya sa pulutong ng mga pulis sabay sabi, “Do you know where I can buy good quality shabu?”
Sagot naman ng isang pulis, “Shabu is illegal in the Philippines. You can get arrested.”
Nang sinabi ng lalaking “Just for fun”, unti-unti na siyang nilapitan ng tatlong pulis at siya’y pinosasan.
May lumabas pa na text sa video na: “I spent two hours in jail.”
Source: Furry Category
No comments