OFW na Inatake sa Puso sa Saudi, Patay; B@ngkay, Binilad sa Araw
Larawan ay mula sa GMA News Video |
Namatay ang isang OFW sa Saudi Arabia na inatake sa puso, matapos umanong tanggihan ng ospital. Labis itong ikinalungkot ng naulilang pamilya, ngunit ang ikinagalit naman ng mga kaanak nito ay nang iwan lamang sa labas ng kanyang pinagtatrabahuan ang kanyang labi.
Inatake sa puso ang OFW na kinilalang si Benigno Untalan noong Martes ng umaga sa KSA (June 23) sa kanyang pinagtatrabahuan sa bayan ng Al Khobar.
Sa video na kuha ng isa ring OFW, idinadaing umano ng 58-taong-gulang na biktima ang hirap sa paghinga at ito’y nagpapasugod sa ospital.
Sabi naman ng anak ng OFW na si Billy Untalan, “Two hours po siyang nag-aabang sa labas ng barracks niya, nung dumating ang ambulansya tinakbo naman siya sa ospital, ‘yon nga lang tinanggihan po siya. Eleven binalik po siya sa barracks. Doon na siya namatay, sa mismong gate, doon na siya nilagay, doon na siya binalot.”
Base sa naiwang pamilya, wala pa raw silang hawak na death certificate ni Benigno. Wala rin umanong balita mula sa employer at travel agency nito.
Ngunit ang mas lalong nagpalungkot sa pamilya Untalan ay nang pabayaan lamang ang bangkay ng kanilang padre-de-pamilia.
Sabi naman ng asawa ng biktima, “Naka-survive sana ang asawa ko. Nilagay pa ang bangkay sa ano, parang aso… ang bait pa naman ng asawa ko.”
Dalawampu’t walong taon nang nagtrabaho bilang crane operator sa Saudi si Benigno. Dagdag pa ng kanyang naiwang maybahay, inatake na rin daw ito sa puso noong nakalipas na taon, ngunit pinili pa rin niyang makipagsapalaran sa ibang bansa.
Ang panawagan lamang ng naulilang pamilya ay maiuwi sa Pilipinas ang bangkay ng kanilang yumaong mahal sa buhay.
“Mahal na Presidente, nananawagan po ako sa inyo, at nagmamakaawa. Sana po matulungan niyo ang asawa ko na mailibing po siya, makita ko lang bangkay niya,” panawagan ng kanyang asawa.
Bilang tugon sa naiwang pamilya, ipinagbigay-alam ni OWWA Policy & Program OIC Jocelyn Hapal, maaari na raw maiuwi ang labi dahil hindi naman ito tungkol sa COVID-19.
Aniya, “Hindi naman siya COVID case so maaari natin siyang maiuwi. We’ll contact ‘yong ating officer. At kung may pamilya dito sa Pilipinas na puwedeng mag-report, na makausap namin ng diretso. So we can assist sa pagpapauwi, dapat siya immediately. At kung ano po ‘yong kailangang makuha po na mga benepisyong sa kanyang kompanya.”Source: Furry Category
No comments