Header Ads

Nainggit ang mga netizens sa kinakain ng "Spoiled Pig" na ito


Para sa mga mahilig mag-alaga ng hayop, tinuturing nilang bilang kapamilya ang kanilang mga alaga. Minsan pa nga ay may mga pagkakataon na mas ginagastusan pa nila ang kanilang mga alagang hayop kaysa sa ibang miyembro ng pamilya. Isang patunay ito na talagang mahal na mahal nila ang kanilang mga alaga.

Tulad na lamang ng alagang baboy na ito na kitang kita sa mga larawan na talagang spoiled siya ng kanyang owner. Ibinahagi ng facebook page na Feelippines ang mga larawang ito at maraming netizens ang namangha at nainggit dahil sa mga masasarap na pagkaing inihanda ng kanyang amo para sa kanya.




Mula sa mga larawan,  kumakain siya ng carbs at pati doughnut at cheesecake. Ramdam na ramdam niya talaga ang pagmamahal ng kanyang amo.


Maraming netizens nag nag sabing sana ay naging sila na lang ung baboy. Dahil sa sarap ng buhay nito at kanyang mga kinakain. Ang iba ay hirap pa nga raw kumain ng ganoong klase ng ulam pero siya ay kumakain pa ng isang buong plato.





Maliban sa carbs na pinapakain sa kanya, mahilig rin ito sa prutas tulad ng durian at pakwan. Maraming netizens rin ang nagsabi na kailangan na niyang mag diet dahil sobrang laki na ng tiyan nito.

Ang iba pang netizens ay nag biro na ready na daw gawing letchon ang kanyang alaga.

Anong masasabi niyo sa diet ng baboy na ito?

Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.