Pinay, Inagaw ang Mister ng kaibigang kumuha sa kanya sa Canada bilang Yaya.
![]() |
Source: Raffy Tulfo in Action / Youtube
|
Marami sa atin ang nag-aasam na makapunta ng ibang bansa upang makapagtrabaho at magkaroon ng magandang buhay. Mahirap man ang malayo sa ating mga mahal sa buhay, tinitiis ito ng marami sa ating mga kababayan.
Bagamat medyo mahirap ang proseso ng pag aabroad, maraming paraan ang pwedeng gawin. Isa na dito ang humingi ng tulong sa mga kakilalang nandoon na sa ibang bansa. Mas madali kasi ang proseso kapag my kakilala ka na pwedeng magbigay ng garantisado sayo bilang OFW.
Isa na dito ang kuwento ni Elloraine Lamb, nakapag trabaho siya sa Canada bilang OFW at doon narin siya nakapag asawa ng isang Canadian citizen. Nagpasya silang magpakasal noong 2014 at nabiyayaan sila ng isang anak. Dahil sa kanyang trabaho, kinailangan ni Elloraine ng yaya na mag-aalaga sa kanyang.
Source: Raffy Tulfo in Action / Youtube
Sa kagustuhang tumulong, kinuha niya ang kanyang kaibigan sa Pilipinas na si Maria Salvacion bilang yaya. Nagpetition siya para kay Maria upang makapunta ng Canada upang makapag trabaho rin doon.
Ngunit tumagal ang ilang buwan, napapansin ni Elloraine na umiigsi at numinipis na ang mga suot ni Maria. At mula noon ay nararamdaman niyang tila nanlalamig na ang kanyang asawa sakanya.
Source: Raffy Tulfo in Action / Youtube
Unti-unting siyang naghinala dahil napapansin niya na malagkit ang mga tingin ng kanyang asawa kay Maria. Nakumpira niya ito ng buksan niya ang cellphone ng asawa at makita ang sweet nilang usapan ni Maria na nagsesend pa umano ng malalaswang larawan.
Source: Raffy Tulfo in Action / Youtube
Hanggang sa kinumpronta niya silang dalawa at kinumpira rin nila na mag bf/gf na nga raw sila.
Humingi ng tulong si Elloraine kay idol Raffy upang mapa deport at bumalik ng Pilipinas si Maria.
Panoorin ang buong video:
Source: Furry Category
No comments