Header Ads

OFW sa Riyadh, nakakaawang kalagayan at humihingi ng tulong

Larawan ay mula sa Facebook Video


Humihingi ng tulong ang isang OFW sa Riyadh upang siya ay masagip mula sa kanyang mahirap na kalagayan. Ang OFW ay kinilalang si Chillete Cabanilla Nillas, na tubong Davao.  

Sa video na ipinost ng Facebook page na The Viral King, makikita sa mga larawan sa video ang pagbabago sa kanyang katawan. Kung dati’y maayos ang kanyang pangangatawan, ngayon ay bagsak na ito at siya’y payat na.

Ayon sa netizen na nagbahagi ng kuwento ni Nillas, ilang beses na umano siyang tumawag sa POLO Riyadh upang humingi ng tulong na ma-rescue mula sa kanyang employer, ngunit wala itong naging tugon at ipinapasa pa sa ibang numero.
Larawan ay mula sa Facebook Video


Dagdag pa ng post, “Tapos na ang kanyang kontrata noong 31 May 2020. Hanggang ngayon hindi pa na iissue han ng Exit Visa ng amo niya.”

Umabot na nga raw na pinamigay siya sa ibang bahay at pinagtatrabaho ng walang sahod.

“Ilang araw po sumasakit ang kanyang tiyan at kahit ni isang Gamot ay hindi sya binigyan. Hanggang kailan po kayo mag rereplay sa email or tawag niya, pinag papasapasahan po ang kaniyang tawag jan sa POLO Hotline. Maawa naman po kayo sa kanya.”

Sabi naman ni Nillas sa video, “Huwag niyo naman pong hintaying mamatay ako dito. Kailangan ko ng tulong niyo, hindi ko na kaya.”

Hinang-hina na nga raw ang kanyang katawan at suka siya ng suka, pero wala ni isa mang gamot ang ibinibigay sa kanya.

“Maawa naman po kayo sa akin. Hindi ako mamamatay sa COVID, mamamatay ako sa sakit ng tiyan,” dagdag pa niya.

Nakisimpatya naman ang mga netizens sa nararanasang sitwasyon ni Nillas.

“may God help you kabayan magdasal kabayan huwag kang susuko hinihintay ka ng pamilya mo.”

“Lord in the name of Jesus Christ please help this woman and others who’s in bad situations. Holy spirit please guide them.”

Sa ngayon ay mayroon na itong 1.1K reacts, 121 comments, 1.6K shares, at 22,174 views.


Source: The Viral King - Facebook Page

Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.