Mayamang Ama, pinatira ang kanyang anak sa isang mahirap na pamilya upang turuan ng leksyon
Larawan ay mula sa juantambayan |
Sa website na “Juan Tambayan,” matutunghayan ang isang kuwento ng isang mayamang ama na nais turuan ng leksyon ang kanyang anak. Naantig naman ang mga puso ng netizens dahil sa istoryang ito.
Mayaman ang mga magulang ni Dante. Namulat siya sa isang mariwasang pamumuhay. Nakukuha niya ang lahat ng kanyang ninanais – magagarang sasakyan, magagarang damit, at marami pang ibang bagay.
Larawan ay mula sa juantambayan
Nagmula naman sa mahirap na pamumuhay noon ang kanyang ama. Dahil dito ay natuto syang magbanat ng buto hanggang sa siya ay naging mayaman na.
Nais ng ama ni Dante na iparanas at turuan ang kanyang anak kung paano mamuhay bilang isang mahirap. Kaya naman, ipinadala niya si Dante sa isang mahirap na pamilya. Nanirahan siya rito sa loob ng isang linggo.
Larawan ay mula sa juantambayan
Sa mga panahong ito ay namuhay si Dante ng normal at simple kasama ang naturang pamilya.
Larawan ay mula sa juantambayan
Naubliga siyang tumulong sa mga gawaing bahay. Kumain din siya ng mga pagkaing hindi niya kinagisnang kainin mula sa kanyang marangyang pamumuhay.
Pagsasalaysay pa ni Dante, wala raw ilaw ang bahay ng pamilyang kanyang tinutuluyan. Subalit ang mga bituin naman daw sa kalangitan ang nagsisilbi nilang liwanag pagsapit ng gabi.
Hindi na rin daw bumibili ng pagkain ang pamilyang ito dahil mayroong silang mga sariling tanim na mga sariwang gulay, puno at halaman. Dito nila kinukuha ang kanilang mga makakakain sa araw-araw.
Makaraan ang isang linggo, dinalaw siya ng kanyang mayamang ama upang kumustahin ang kalagayan niya rito. Tila natuwa naman ang kanyang ama dahil tila maganda naman daw ang naidulot nito sa kanyang anak.
Ayon kasi kay Dante, sa loob lamang ng isang linggong pamamalagi niya kasama ang isang mahirap na pamilya, marami na raw siyang bagay na natutunan at napagtanto.
Sa pagdalaw ng kanyang ama, nagulat daw talaga ito sa mga salitang binitawan ng kanyang anak na si Dante: “Maraming salamat Papa, dahil ipinamalas mo sa akin kung gaano tayo kahirap.”
Dahil sa karanasang ito ni Dante, nabigyan na niya ng pagpapahalaga ang mga maliliit na bagay sa kanyang paligid na dati’y hindi niya pinapansin dahil sa marangyang buhay na kanyang tinatamasa.
Patunay lamang ang kuwentong ito na hindi basehan ang pagkakaroon ng napakaraming kayamanan tulad ng maraming pera at magagarang damit upang maging masaya sa buhay. Dahil ang tunay na kayamanan ay ang pagkakaroon ng pagpapahalaga sa mga bagay na mayroon ka.
Source: juantambayan
Source: Furry Category
No comments