Header Ads

Lalaki nanlaban at pinukpuk pa ng bato ang sariling ulo.

Larawan ay mula sa Facebook Video


Sa video na ipinost ng Facebook page na Noypi Nambawan, kinakausap ng mga pulis ang isang lalaki na tila walang ID at pagala-gala. Sinabi ng lalaki na mayroon siyang ID ngunit ito ay nasa bahay.

Nagtanong ang isa sa mga pulis kung sino ang may posas upang maposasan na ang lalaki, at para na rin madala sa presinto. Tila narinig ito ng lalaki at maya-maya pa’y tinulak niya ang isa sa mga pulis. Pinipigilan sila ng iba pang pulis.

“Saan ako nagkasala sa inyo,” tanong ng lalaki.

Lumabas na rin mula sa kanilang bahay ang ilang residente.

Nang pinapadapa ng mga pulis ang lalaki, ito ay nanlalaban at kumuha pa ng bato. Ang bato ay ginamit niya upang tamaan ang kanyang sariling ulo.

Sabi ng kumukuha ng video na tila isa sa mga uniformed personnel, “Sinadya mo ‘yon ha. Sinadya mo ‘yon ha, kitang-kita! 
May video rito oh, may video.”
Larawan ay mula sa Facebook Video


Pumipiglas pa rin ang lalaki. Dagdag pa ng kumukuha ng video, tumahimik na lamang siya dahil wala namang mangyayari sa kanyang masama.

Nang medyo humupa ang pagpupumiglas ng lalaki na nakadapa na, sinabi niya, “Ang lakas niyo, huwag niyo akong hawakan. Sige na sasama na… sige na, sasama na ako sa inyo.”
Larawan ay mula sa Facebook Video


Sinabi pa ng lalaki na sinaktan siya ng mga pulis.

Ani ng isang pulis, “Relax ka lang kasi sir. Huwag kang pagala-gala. Relax ka lang.”

Nang muling sinabi ng lalaki na sasama na siya, sabi ng pulis, “Kung kanina sana edi okay na.”

Huwag nga lang daw siyang hawakan o siglutin ng mga pulis. 

Dagdag pa ng lalaki, kung kakausapin daw siya ay sa barangay muna dahil daw naka-duty rito ang mga uniformed personnel.

Ani naman ng pulis, nakikiusap sila sa lalaki pero nilalabanan daw sila.

“Nagpapagod na nga kami para sa inyo dito e.”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga netizens.

“Papahamak mu pa mga pulis ..sumunod ka kse .. pukpukin mo pa sarili mo ng bato para mga pulis nanaman ang lalabas na my kasalanan..panu yan huling huli ka..tama yan mga sir bawat my aarestuhin dapat nka video kau..lalo na ngaun maiinit ang mga mata sa inyo..ingat mga sir.”

“May pinoy lang kc na sadyang bugok. Pag sinabi lockdown eh sumunod pag sinita galit pa. Natural lang na pipigilan ka nila. Pag nag ka covid sisihin gobyerno.”

“Ang dami nyong police sana napusasan nyo na agad para di na nakapiglas pa. Pano pala kung mahablutan pa kayo ng baril di nababawasan payo. Buti nalang mahina pader at dun siya nakakuha ng bato na pinalo nya sa kanyang ulo. Kaya po ingat ingat din po kayo sa mga inaaresto nyo.”

Sa ngayon ay mayroon na itong 41K reacts at 23K comments.



Source: Noypi Nambawan - Facebook Page

Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.