Anak ng isang mangingisda, nakapagtapos bilang Magna Cum Laude sa kolehiyo
![]() |
| Source: Regine Villamejor / Facebook |
Marami sa ating mga kababayan ang hindi makapag-aral ngayon dahil sa hirap ng buhay dito sa Pilipinas. Marami ang mas pinipili ang maghanap buhay at magtrabaho agad upang makatulong sa pamilya na kumita ng pera para sa pang araw-araw na gastusin.
Source: Regine Villamejor / Facebook
Hindi biro ang kailangang pera upang makapasok sa eskelahan at makapag-aral lalo na kung ang kinikitang pera sa araw-araw ay sakto lamang para sa pangangailangan ng buong pamilya.
Pero walang imposible para sa isang taong may pangarap at matiyaga sa buhay. Tulad na lamang ng kwento ni Regine Villamor, siya ay isang 20-anyos na dalaga mula Cebu. Para sa kanya, hindi naging hadlang ang hirap ng kanilang buhay upang siya ay makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo.
Si Regine mula sa isang simpleng pamilya na ang tanging pinagkukuhanan ng ikabubuhay ay ang bilang isnag mangingisda ng kanyan ama.
Naging inspirasyon ni Regine ang suporta ng kanyang pamilya upang siya ay makapagtapos ng pag-aaral at upang makamit ang kanyang mga pangarap sa buhay.
Hindi lang basta-basta nakapagtapos si Regine sa kolehiyo, siya grumaduate bilang Magna Cum Laude sa kanyang paaralan sa University of Jose-Recoletos, Cebu City.
Source: Regine Villamejor / Facebook
Sa kwento ng dalaga, ang ikinabubuhay nila ay laging nakadepende sa panahon. Kapag maulan o may bagyo, hindi nakakapalaot ang kanyang ama upang mangisda. Ngunit kung minsan naman ay swerte at umaabot ang kanyang kita sa 700 pesos.
Matapos makahuli ng kanyang tatay, inilalako naman ito ng kanyang ina sa may kalsada kung saan malapit lang ang kanilang bahay. Tumutulong rin si Regine na magtinda pagdating niya ng bahay galing eskwela.
Source: Regine Villamejor / Facebook
"It was at an early age that I realized how life was. While selling fish, I always kept telling myself that I had to finish college to help my family and my siblings," dagdag pa ni Regine.
"My father told me one time that he wanted to sleep more but he said he had to work hard in order for me to continue my studies," sabi ni Regine.
Source: Regine Villamejor / Facebook
Maaga kasi laging gumigising ang kanyang Ama upang siya ang mauna at makahuli ng mas maraming isda.
Dahil sa matataas na grades ni Regine, binigyan siya ng 50% discount ng kanyang eskwelahan para sa kanyang matrikula.
Hindi rin naging madali ang pinagdaanan ng dalaga, kinailangan niyang mahiwalay sa kanyang pamilya at tumira sa paupahang bahay na malapit sa kanyang eskwelahan.
Source: Regine Villamejor / Facebook
Kwento pa niya, nagdikit siya ng mga litrato ng kanyang buong pamilya sa kanyang kuwarto at sa tuwing nalulungkot siya o pinanghihinaan ng loob ay tinitignan na lamang niya ang mga ito.
Natapos ni Regine kursong Bachelors Degree of Arts in Liberal Arts and Commerce Major in Communication and Marketing(LIAMCOM) sa apat na taong pag-aaral.
Source: Regine Villamejor / Facebook
"As I look back at my struggles, I realize that it made me stronger. And I want to thank my parents. Whatever achievements I have, it's because of them."
“I am not ashamed to sell fish. My friends know about it but still they accept me for who I am! If I did not go through those challenges, wearing the toga will not be worth it. We should not give up. Poverty is not a hindrance in achieving our dreams,”
Source: Regine Villamejor / Facebook
Source: Furry Category






No comments