Header Ads

Pera sa Ukay-Ukay, Si Nanay nakakita ng 1 million Argentine pesos sa biniling damit sa ukayan

Source: Kapuso Mo Jessica Soho / YouTube

Tayong mga pinoy ay mahilig tumangkilik sa ukay-ukay o segunda manong mga damit. Itinuturing natin itong galing sa mga kilalang fashion retailer shops at talaga namang takbuhan ito ng mga nagtitipid ng budget. Ngunit hindi lang damit ang maaring makita sa ukay, minsan kapag ikaw ay sinuwerte may kasamang pera pa ang damit na iyong binili.

Kilalanin si Sandie Peteros na bumibili sa ukayan ng jacket para umaakyat ng bundok.  Minsan na siyang nakakuha ng 100 Hongkong Dollars sa bulsa ng jacket na kanyang binili.  Kung ipapalit ito ay nagkakahalaga ng P650 pesos.  Bawing-bawi na siya at kumita pa dahil ang jacket ay nagkakahalaga lamang ng 500 pesos.

Source: Kapuso Mo Jessica Soho / YouTube

Sa warehouse ni Lorevie ng kanyang mga panindang ukay-ukay sa Lapu-Lapu City, Cebu ay lagi siyang nakakahanap ng pera sa kada bundle ng mga damit. Minsan pa nga ay nakahugot siyang 200 Yuan o kulang kulang dalawang libong piso. Nakakuha na rin siyang mas malaki pang halaga na umaabot ng 700 Yuan o limang libong piso.

Si Badang naman mula sa Quezon City ay nakakita ng Anim na piraso ng 1,000,000 Argentine pesos! Galing umano ang damit sa isang kilalang fashion retailer shop na bumagsak naman sa ukayan. Ng tignan ng kanyang anak ang halaga ng pera, umaabot ito ng 5 million pesos.

Source: Kapuso Mo Jessica Soho / YouTube

Agad agad namang nagplano si Badang kung saan niya gagamitin ang pera. Gagamitin niya raw ito sa pagpapagawa ng bahay, pambayad sa utang, matrikula ng kanyang mga anak at magpapamahagi sa kanyang mga kamag-anak na nangangailangan ng tulong.

Subalit ayon sa isang eksperto, nasa 8,600 pesos na lamang ang halaga nito ngayon base sa P617 na halaga nito noong 1983. Ngunit ang perang ito ay demonitized na at wala ng halaga. Kinumpirma rin ito ng embahada ng Argentina.

Tanging ang pag-asa na lamang ni badang ay maibenta ito sa mga money collectors para kahit papano ay magka pera siya. 


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.