Header Ads

Pulis hindi napigilan ang sarili, lalaking lumabag sa batas nakatikim!

Larawan ay mula sa Facebook Video


Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na may mga pulis na nananakit at may masamang gawain. Tulad na lamang ng pangongotong, paggamit ng droga, at paglabag sa iba pang panuntunan. Ang iba sa kanila, ginagamit ang taglay na kapangyarihan upang makapanakot ng ibang tao.

Sa isang video na ipinost ng Facebook page na Rider Tv, mababasa ang caption na, “Pasikatin naten ang pulis na ito bawal ginagawa nya.”

Makikita sa video ang isang pulis at isang lalaking nakasakay sa motorsiklo. Ang nasabing lalaki ay tila lumabag sa ipinapatupad na bawal ang angkas sa mga motor.

Ngunit, imbes na kausapin ng maayos, ang ginawa ng pulis ay hinawakan ang buhok ng lalaki saka ito ipinahaharap sa kanya.
Larawan ay mula sa Facebook Video

Maangas pa at mayabang ang naging anyo ng pulis habang sinasabi ang, “’Di ba sinabi ko sa’yo bawal ang angkas?”

Hindi naman lumaban o nanumbat ang lalaki.

Iba-iba naman ang naging komento ng mga netizens.

Sabi ng isa, kaya ganyan ang nagiging asal ng pulis dahil matitigas ang ulo ng mga rider.

Ani naman ng isa, “Bakit pag pulis may angkas ok lang pag sibelyan kinukulata pa.”

Dagdag pa ng isang netizen, kung may paglabag sa batas, dapat daw ay ikinukulong ito dahil sa pagiging abusado.

Pero sabi naman ng isa, “Dapat kayo mga pulis maging mabait kayu mahinahon sa lahat ng bagay na ganyan. 

Dahil kayu ang modelo sa ating bansa at peace keeper. Kung ganyan lge ugali nyo mas lalong maraming hindi rerespito sa Inyo.”

Ang nasabing video ay mayroon nang 504 reacts, 406 comments, at 1.9K shares.



Source: Rider Tv - Facebook Page

Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.