Mapangláit na customer pinalayas ng restaurant server.
![]() |
| Mga larawan ay mula sa Facebook |
Viral ngayon sa social media ang video na kinunan ni Jordan Chan kung saan makikita at mapapanood kung paanong inatake ng isang lalaking racist ang kanyang pamilya habang kumakain sa isang restaurant sa California.
Kinilala ang racist na si Michael Lofthouse, isang CEO umano ng isang tech company at isa ring immigrant at customer sa naturang restaurant.
| larawan ay mula sa Facebook |
Nang masaksihan ng isang waitress ang pangyayaring ito sa pamilyang Fil-Am dahil sa pambabastos ni Lofthouse, alam niya na raw na kailangan niyang tulungan ang mga ito.
Kinilala ang restaurant server na ito bilang si Gennica Cochran. Ayon sa kanya sa isang ulat ng “KGO-TV” nitong July 9, “I felt very protective of them.”
Dagdag pa ng waitress na bahagi na ng hospitality industry sa loob ng 20 taon at isa ring Yoga instructor, “Most of these people, this is the first time that they’ve been out to dinner and then you have someone attacking them it was just no, no, I don’t have time for this.”
“Say that again” – ito raw ang narinig ni Cochran mula kay Chan kaya napukaw ang kanyang atensyon. At kahit hindi raw siya ang nakatalagang magsilbi sa table ng pamilya ni Chan ay daglian siyang sumaklolo at inutusan si Lofthouse na umalis na.
“You need to leave right now. Get out, you are not allowed here, get out now. You do not talk to our guests like that, they are valued guests, you are not allowed here ever again!” ang maririnig na sabi ni Cochran kay Lofthouse sa nasabing video.
Ang video ng naturang kaganapan ay ibinahagi ni Chan sa kanyang mga social media accounts noong July 6 upang ipakita sa mga netizens ang mukha ni Lofthouse na siyang nang-harass sa kanyang pamilya.
Paglalahad pa ni Cochran, naalala niya raw kasi na bastos makipag-usap si Lofthouse sa kanyang manager. Nagpalipat pa raw ito ng mesa at paulit-ulit na pinapabalik ang pagkain.
Ani pa ni Cochran, “To hear the emotion coming out of my voice, to see my mannerisms, it was unbelievable. It was just something that came over me and I just did what needed to be done.”
Dagdag pa ng Amerikanang waitress, “To have someone hate you just because of the way that you look, that’s beyond me. I don’t understand it.”
Mensahe naman ni Cochran sa pamilya ni Chan: “I love you. I’ve got your back always. I will always speak up for you and please come back to Bernerdus, I’d love to buy you a drink. And please just know that those words are not the values of the people that live here on the Monterey Peninsula.”
Hinikayat din ng waitress ang publiko na lumaban at tumulong sa mga nakararanas ng ganitong uri ng pang-aapi.
Umabot na sa milyon-milyong views ang naturang video mula sa iba’t ibang social media platforms.
Samantala, humingi na raw ng paumanhin sa nangyari si Lofthouse dahil nawalan daw siya ng kontrol. Tinuruan na rin daw siyang rumespeto sa ibang lahi. Subalit hindi naniwala ang inapi niyang pamilya sa kanyang paumanhin.
Malaki naman ang pasasalamat ng pamilya kay Cochran at sa iba pang staff ng nasabing restaurant dahil sa tulong na ibinigay nila sa mga ito.
Source: thedailysentry.net
Source: Furry Category

No comments