Pinoy Engineer, nanalo ng Top Prize na P3-Million sa isang international contest gamit ang kanyang bamboo house design
![]() |
| Larawan ay mula sa thedailysentry.net at virtualpinoy.com |
Nakikilala ang mga Pilipino dahil sa angking husay nito kahit sa ano pang larangan. Dahil sa talino at talento, nagagawang patunayan ng ating mga kababayan na kaya nilang makipagsabayan kahit saan pang panig ng mundo.
Muli kasing pinatunayan ng isang Pinoy engineer ang galing ng mga Pilipino sa larangan ng Housing Unit
Larawan ay mula sa thedailysentry.net
Design matapos siyang magwagi gamit ang sarili niyang gawang disenyo na tinawag niyang “Cubo.”
Nagwagi si Engineer Earl Patrick Forlales, 23, mula sa Maynila, ng top price sa Royal Institute of Chartered Surveyors (RICS) dahil sa kanyang idinisenyong “Cubo” – na siyang nagpakita ng kanyang talento at dedikasyon sa paggawa ng isang obra.
Larawan ay mula sa virtualpinoy.com
Larawan ay mula sa thedailysentry.net
Hindi lamang ito basta-basta idinisenyo ni Forlales. Hindi lang kasi magandang resulta ang inisip niya upang mabuo ito; inisip niya rin ang budget na gagamitin dito – may mababa lamang itong halaga at maaari pang maging abot-kamay ng mga mahihirap.
“Cubo” ang itinawag rito ni Forlales dahil sa mga ginamit ditong materyales na kawayan. Maaari lamang din itong mayari sa loob lamang ng apat na oras. Ayon pa sa ilang mga ulat, tinatayang nasa P3,000 lamang ang aabuting halaga ng kabuuang gastos sa pagpapagawa ng ganitong uri ng disenyo.
Larawan ay mula sa thedailysentry.net
Dahil nga sa idinisenyong ito ni Engineer, nag-uwi siya ng $50,000 o higit P3.3-milyong piso.
“It’s a functional home on its own, but it’s more than just a house. Its design to turn community waste into energy and other vulnerable resources,” pahayag ng binata.
Dagdag pa niya, “As it releases 35% more oxygen than trees and can be harvested annually without causing degradation.”
Ayon pa rin kay Forlales, hindi basta-basta ang materyales na ginamit niya sa “Cubo.” Ang kalidad daw kasi ng pangunahing materyales nitong kawayan ay sampung beses na maaaring magtagal kaysa sa iba.
Ang ginawang ito ng binata ay maaari na raw maging solusyon ng ating gobyerno para sa patuloy na pagdami ng mga informal settlers sa Maynila sapagkat mabibigyan na raw ang mga ito ng mas maayos na matitirhan.
Saad pa ni Forlales, “with the government’s ‘Build, Build Program’ there will be more construction workers coming into the city… we want our workers who are producing our high-rise multi-storey level buildings to have dignified housing of their own.”
Source:
Source: Furry Category





No comments