Viral Video: Packages ng mga kabaong, handog ng isang Netizen
Larawan: Screenshot mula sa post ni Kerovine Castro - Facebook |
Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng mga natatamaan at nagpopositibo sa cor0nav¡rus d¡sease 2019 (C0VID-19) dito sa Pilipinas, hindi na alam ng mga namumuno at ng ibang mamamayan kung paano ba masusugpo ito. At dahil na rin sa mga ipinapatupad na General Community Quarantine (GCQ) sa ibang lugar ay tila lumuwag na nga ang mga quarantine protocols at mas napadalas na ang paglabas-labas ng mga tao sa kanilang mga tahanan.
Larawan: Screenshot mula sa post ni Kerovine Castro - Facebook
Kaya naman, isang nakatutuwa at nakatatawang post ang ibinahagi ng isang netizen sa kanyang Facebook account upang magbigay babala na rin sa kanyang mga kababayan.
Sa video post ni Kerovine Castro, makikita kung paano niya ipinakita ang kanyang mga produkto sa kanyang “online selling”: mga kabaong!
Caption niya kasi sa kanyang post, “Eto na mga kababayan murang packages pa mine lang po.. Para sa matitigas ang ulo na gusto lumabas at mag libot pili muna kayo after 14days kukunin kona kayo. #triplekfuneralservices”
Sa one-minute-three-second video na ito, ipinakita niya ang mga “packages” nilang kabaong.
“Pa-mine na lang po,” ani ni Castro.
Pumili lamang daw ang mga tao sa kung anong nais nila – mayroong gawa sa kahoy, sa metal, at marami pang iba – bago umalis sa kani-kanilang bahay. Marami raw silang stock kaya tiyak na hindi mauubusan ang mga ito.
Tuwang-tuwa at tawang-tawa naman ang mga netizens dahil sa post na ito. Tingnan ang mga komento ng ilan sa ibaba:
“I’m Serious about this! How much is the last one in line.”
“Puwedeng utang?”
“Ang problema kasi hindi ka ililibing pag namatay ka sa C0VID cremation gagawin sayo.”
Sa ngayon ay mayroon nang higit 8,600 reacts ang inani ng nasabing post na ito.
Larawan: Screenshot mula sa post ni Kerovine Castro - Facebook
Source: Kerovine Castro - Facebook
Source: Furry Category
No comments