Header Ads

Tignan: Ang Buhay ni Rodel Velayo ngayon 2020


Larawan: Screenshot mula sa video post ng CELEBRITY STORY

Sa Pilipinas, sumikat noong dekada ’90 ang mga Titilating Films o ‘yong mga pelikulang mapangahas. Binansagan ang panahon na ito bilang “Golden Age of Philippine Sexy Movies.” Kasabay ng pagkita ng mga ganitong pelikula sa takilya, ay ang pagsikat din ng mga baguhang sexy star, lalaki man o babae.
Larawan ay mula sa Google

Isa sa mga umusbong na sexy star noon ay ang baguhang si Rodel 
Velayo. Nakuha niya kaagad ang atensyon ng mga manonood dahil sa pagiging maamo at inosente ng kanyang mukha.
Una siyang napanood sa pelikulang “Pisil” (1998). Pero mas nagmarka siya nang gumanap siya bilang macho dancer sa pelikulang “Burlesk King” (1999). Ipinakita niya rito ang husay niya sa pag-arte.
Larawan ay mula sa Google

Larawan ay mula sa Google

Sa gitna ng kanyang kasikatan, nabighani si Rodel sa magandang baguhan na sexy star din na si Daniella. Ini-launch si Daniella sa pelikulang “Paloma” at “Nene” noong 1999. Ayon sa dalaga, pinasok niya raw ang pagpapa-sexy para makapag-ipon ng pera at para maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Nang magkrus ang landas ng dalawa, sila ay nagkamabutihan at pinatigil na rin ni Rodel si Daniella sa pagpapa-sexy. Nangako ang binata na tutulungan niya ang dalaga sa mga gastusin nito sa pag-aaral.

Nang humina na rin ang dating ng mga pelikula, umabot sa puntong kinailangan ni Rodel na magtinda ng longganisa para lamang makatapos ng pag-aaral si Daniella. Hindi naglaon ay nakatapos ang dalaga sa kursong Business Management na isang 

Dean’s Lister sa St. Paul College.

Kalaunan, nagpakasal ang dalawa noong August 25, 2005. Pumunta sila ng Australia upang doon bumuo ng pamilya at upang magkaroon ng mas magandang buhay. Naipagpatuloy pa nga ni 

Daniella ang kanyang pag-aaral para sa kanyang post-graduate course, at mayroon na rin siyang maayos na trabaho. Samantala, si Rodel naman ay isa nang Area Manager sa isang radial store doon.
Larawan ay mula sa Google

Larawan ay mula sa Google

Tahimik at masaya na silang namumuhay doon. Sa katunayan, mayroon na silang dalawang anak: isang babae at isang lalaki.

Kahit hindi man nagtuloy ang kanilang karera sa showbiz, naging matiwasay naman ang kanilang pamumuhay at hindi naman humantong sa wala ang kanilang mga ginawa. Mas importante na nga raw ang kanilang role bilang mga magulang na magbibigay ng magandang buhay para sa kanilang mga supling.





Source: Furry Category

1 comment:

  1. Rodel Velayo (born Archie Canillo Abala 1978) is a 90s movie star who left for Australia in 2005 after marriage. He cut short his career to focus on moving out of the nation. He is the youngest of the siblings. He is the son of Impoverished Cassava Farmers in Tangub, Misamis Occidental. He finished preschool, elementary, highschool, and college in Oroquieta. And Started Went To Work in Different companies until entering showbiz and cut off his career.

    ReplyDelete

Powered by Blogger.