Header Ads

Chinese National, Huli sa video na nanampal at nanipa ng ulo ng isang Pinay

Larawan: Screenshot mula sa video post ng Pilipinas Anti Kurakot - Facebook Page


Viral ngayon sa Facebook ang video na kung saan makikita ang isang away sa pagitan ng isang di-umanong Chinese national at isang menor-de-edad na Pinay.

Nauna nang lumabas sa isang Facebook page ang naturang video kung saan mababasa ang ganitong caption: “GRABE YUNG SINAMPALIN AT SIPAIN KA SA MUKHA NG ISANG DAYUHAN SA SARILI MONG BAYAN!”

Maririnig sa video na tila nagkakaroon na mainit na sagutan ang dalawang sangkot. Maya-maya pa, maririnig na ang iba na nagsasabing tumawag na ng pulis. Ilang sandali pa’y humarap ang isang babae at nagsabing, “I’m seventeen! I don’t care, what?”

Dito na nagsimulang asuntuhin ng dayuhan ang kanyang kaalitan. Makikita rin na nagtakbuhan palayo ang ibang mga tao.

Nahabol ng Tsino ang Pinay at doon na niya ito tinadyakan sa ulo at saka patakbong umalis. Nahagip din sa video ang isang bouncer na hindi magkamayaw sa naganap na kaguluhan.

Hinaing naman ng mga netizens na nakapanood sa video, wala man lang tumulong sa Pinay na biniktima ng dayuhan.


Source: Pilipinas Anti Kurakot - Facebook Page

Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.