Isang Delivery Rider ang nabiyayaan ng Brand new shoes matapos makita ng online seller na naka-tape na lamang nag sapatos nito
![]() |
Source: Mark Wang |
Patok na patok ngayon ang online shopping dahil sa napaka convenient nito para sa mga mamimili. Lalo pa at madalas ngayon ang sale o pagkakaroon ng discount ng mga online shops. Kailangan mo lang ng cellphone o computer upang mamili ng mga bibilhin at maghihintay ka na lamang na i-deliver ito sa iyong mismong bahay.
Dahil sa nauuso ito, nagbigay rin ito ng maraming trabaho para sa ating mga kababayan bilang delivery rider. Kaya naman nakaka-touch ang kuwentong ito ng mag-asawang online seller at ng isa sa kanilang masipag sa delivery rider.
Kahit may pandemya, tuloy-tuloy pa rin sa pagtatrabaho ang rider nina Mark Zhang at Wang na hindi alintana ang panganib na baka mahawaan ng sakit dahil sa pagbyahe nito sa ibat-ibang lugar.
Mas nakakahanga ang rider na ito dahil sira-sira na ang kanyang sapatos ay tuloy-tuloy pa rin siya sa pag deliver ng order ng kanilang mga customer at ginagawan na lamang niya ito ng paraan sa pamamagitan ng pagbalot dito ng scotch tape upang magamit pa rin.
Sa post ni Wang, ibinahagi niya ang kuwento ng kanilang rider at kung paano niya ito napasaya sa simpleng regalo na kanilang ibinigay sakanya.
Maraming mga netizens ang natuwa at naantig ang mga puso sa ginawa ng mag-asawa.
Basahin ang buong post ni Wang:
Si kuya, araw-araw nagppick-up saamin ng mga paorder namin online. Sobrang nakakaproud lang. Kahit sira na sapatos nya, go parin sa pagttrabaho para sa pamilya. Knina, nakita namin na nakascotchtape ung sapatos nya.Sabi ng husband ko " Kuya,anong nangyare sa sapatos mo?" Nahihiya si kuya na sinabing "bumigay po sir eh. Kaya iniscotchtape ko nlng".
Hubby: "sandali kuya, halika,upo ka." Sabay hanap ng sapatos. Sinuggest ko airmax 270 na best seller namin.
Hubby:" anong size mo ba kuya?"
Kuyang J&T: (nahihiya, nakayuko) size 9 po sir
Hubby:" Oh kuya, palitan mo na yan. Suot mo to."
Kuyang J&T: (di man nya sabihin pero Kita namin sa mga mata nya ang tuwa) maraming salamat sir, mam.
Hubby:" sakto ba? O maluwag?"
Kuya: " Sakto Lang po". Salamat po ulit sir mam.♥️
Sana napasaya ka namin kuya. D kna mahihirapan sa butas na sapatos mo.
Lesson: Minsan nagrereklamo pa tayo sa kung anong meron tayo without thinking na yung iba mas nahihirapan pa kesa sayo. Na yung mga bagay na meron ka ngayon, pinapangarap palang ng iba sna sila meron din. Kaya dapat ,imbes na magreklamo tayo kung anong meron, magpasalamat nlng tayo.♥️
Source: Furry Category
No comments