Header Ads

Isang lolo na tricycle driver ang nakapagtpos ng pag aaral.

Larawan ay mula sa ABS-CBN News - Facebook Page

Edukasyon ang yamang kailanman ay hindi makukuha ng ibang tao. Ito ang susi sa pag-abot ng iba pang pangarap. At hindi hadlang ang estado sa buhay o edad upang magtagumpay.

Sa Facebook post ng ABS-CBN News noong Abril 01, 2019, mababasa ang nakaaantig na kuwento ng tricycle driver sa umaga at estudyante pagsapit ng gabi.

Larawan ay mula sa ABS-CBN News - Facebook Page

Pinatunayan ni Generito Yosores na hindi hadlang ang edad upang makatapos ng pag-aaral. Sa edad na 64 anyos, siya ay nagtapos ng kursong Bachelor of Secondary Education Major in English sa Western Mindanao State University-Molave sa Zamboanga Del Sur.

Dahil dito, hinangaan siya ng mga netizens.

“Congrats po and I’m so proud of you… Godbless and Good health, long live”

“Congrats Millions inspired po sa inyo at mabuhay po kayo sanay madami kagaya na nagsisikap para makamit ang pangarap na di hadlang ang kung ano man ang kinatatayuan mo”

Ibinahagi naman ng isang netizen ang tagpong nakasama niya si Generito, “i remember this tatay, when i was enrolling for Professional Education in Molave WMSU-ESU, he asked where he can find the subjects in secondary education i was very shocked, akala ko janitor sya sa school. i wrote some of his subjects and he said he can manage to write it all, and say thanks. i ponder to myself, na hindi pa huli to pursue education talaga at any age. i am really proud seeing him successfully got his dream. i am very happy for you tatay. sana sabay tayo mag take ng LET this year. so i can personally congratulate you tatay. GODBLESS PO”

Larawan ay mula sa ABS-CBN News - Facebook Page


Source: ABS-CBN News - Facebook Page


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.