Mga Kakaibang litratong kuha sa loob ng Barkong "Titanic"
Larawan ay mula sa nationspress |
Pinag-usapan at naging isa sa pinakasikat na pelikula ang palabas na “Titanic.” Umantig ang istorya nito sa mga manonood at nagbigay pa ng aral sa kuwentong ibinahagi nito.
Ayon sa website na relatable.net, Abril 15, 1912 nang may isang pangyayaring gumimbal sa maraming tao – hindi inaasahang lumubog sa karagatan ng Atlanta ang isang napakalaking barkong dinisenyo upang hindi lumubog.
Napakagarbo ng mga pasilidad sa loob ng naturang barko ngunit alam mo ba kung ano ang itsura nito sa totoong buhay?
Base pa rin sa nasabing website, tanyag ang engrandeng staircase ng First Class dahil sa kakaibang istilong ginamit dito. Binubuo ito ng pinalumang bakal, pinakintab na oak at iba’t ibang magagandang salamin. Dinisenyo ang kisameng ito upang magmukhang nasisikatan ng araw kahit anong oras. Ito ang bahaging binababaan ng mga taong kabilang sa First Class papunta sa kanilang kainan.
Pinakamataas naman na deck ang Boat Deck. Isa itong lugar kung saan puwedeng mag-relax at magpalipas ng oras ang mga tiga-First at Second Class. Maaari ritong umupo, maglakad-lakad, maglaro o kaya’y magmuni-muni.
Ang mga tao namang nabibilang sa Third Class ay matatagpuan sa Bridge Deck. Dito rin makikita ang mga iniaangkat at iba pang kagamitan ng barko.
Marahil ang “Titanic” din ang unang barkong nagkaroon ng gym, swimming pool at turkish baths. Noong kapanahunan kasi nito, hindi makikita ang mga ganitong bagay sa iba pang mga barko.
Kung pag-uusapan naman ang tungkol sa mga kuwarto, may nilalaman ang silid ng mga nabibilang sa First Class na ekslusibo lamang para sa kanila: reception room, dining saloon, restaurant, lounge, veranda cafes, palm courts, silid upang magbasa at magsulat, at pampublikong panigarilyuhan.
Mayroong 39 state rooms para sa mga tiga-First Class. Binubuo ito ng dalawang kuwarto, dalawang kuwartong bihisan, at isang pribadong banyo. Iba-iba ang istilo sa bawat kuwarto tulad ng Louis XVI, Louis XV, Georgian at Queen Anne.
May disenyong Louis XVI naman ang Second Class Deck. Mayroon itong oak na panel na may daido rails. Ang mga kuwarto naman nila ay mayroong dalawa hanggang apat na bangkero na nakadikit sa pader. Kung sakaling may masuka, mayroon itong pampublikong lababo at palikuran. May ilang pampublikong liguan ang mga nabibilang sa Second Class. Mayroon din silang silid-aklatan, kainan, grandiosong hagdanan at kuwarto upang manigarilyo.
Siksikan naman sa kanilang mga silid ang mga taong nasa Third Class sapagkat mas marami ang napabilang dito. Subalit tulad ng ibang class sa barko, may mga pribilehiyo rin sila tulad ng kainan, bonggang hagdanan, at lugar kung saan puwede silang manigarilyo.
Sadya namang iniba ang disenyo ng deck ng mga crew upang hindi sila magkita ng mga pasahero na nasa unahan, gitna at likurang bahagi ng nasabing barko.
Source: nationspress
Source: Furry Category
No comments