Header Ads

Isang matandang vendor, nabigyan ng biyayay mula sa isang vlogger.

Larawan screenshot mula sa Youtube video ni Jose Hallorina



Sa vlog na ini-upload ng YouTube channel na “Jose Hallorina,” nakita nila ang isang matandang lalaki na nagtitinda ng mga gulay at prutas sa kaniyang kariton. Namamahinga siya nang maabutan ng vlogger.


Ibinahagi rin ng vlogger na nakita raw nila ang matandang nakaupo’t nakayuko kanina. Ani ng matanda, wala pa raw siyang tulog. Alas kuwatro pa lang kasi ng umaga ay namalengke na raw siya saka dumiretso na agad sa pagtitinda. Mga limang oras lang daw ang tulog niya kagabi.


Ginagawa niya raw ito para sa kaniyang pamilya. Mayroon daw siyang tatlong anak – malalaki naman na raw sila at nasa probinsiya.


Kinilala ang matanda bilang si Tatay Danilo. P3,000 daw ang kaniyang kapital sa pagtitinda. Alas otso raw ng umaga siya nagsisimulang magtinda at mga alas otso rin ng gabi ito nauubos. Ibig sabihin, halos 16 na oras siyang nagtatrabaho sa isang araw.


Inamin naman ng matanda na sa araw lamang ng Linggo siya nakapagpapahinga – ibig sabihin, isang araw lang ang kaniyang pahinga sa loob ng isang linggo.


Matapos nito’y may sinabing “offer” ang vlogger: bibigyan niya raw ng P3,000 ang matanda para makauwi na ito’t makapagpahinga subalit may kondisyon – kailangan niyang halikan ang paa ng vlogger.


Hinubad nan g vlogger ang kaniyang sapatos at medyas. Bibilang daw siya ng tatlo at saka ito hahalikan ng matanda. Subalit nang akmang kukunin nan g matanda ang kaniyang paa, bigla itong ibinaba ng vlogger at ibinalik sa pagkakasuot sa kaniyang sapatos.


Pahayag ng vlogger, “Naiiyak ako. Nalulungkot ako. Bakit ka pumayag?”


Sagot naman ni Tatay Danilo, “Puhunan na ‘yan. Puhunan na.”

Saka sinabi ng vlogger na ganito ang estado ng buhay ng mga mahihirap ngayong panahon ng quarantine – tipong isasakripisyo na ang dignidad at reputasyon para lamang mabuhay. Saka niya pinagsabihan si Tatay Danilo na huwag hahayaang api-apihin lamang siya ng kung sino.


Nang tinanong muli kung bakit siya pumayag, tugon ng matanda, 


“Gusto niyo e. Gusto niyo.”


Ibinahagi ng vlogger na hindi raw ito ang unang pagkakataong may pumayag sa “inalok” nila. Subalit sinabi ng vlogger na hindi raw siya papayag na gawin niya iyon.


“Bilang isang kapuwa mo Pilipino, mahal kita. Hindi ko hahayaan na gawin mo ‘yon,” ani ng vlogger.


Nang tinanong kung kaya bang gawin ni Tatay Danilo ang magtinda nang marangal – may dignindad at reputasyon – para sa kaniyang pamilya, buong pusong sagot niya, “Oo.”


Bilib daw kay Tatay Danilo ang vlogger at ang asawa nito dahil kahit nasa panahon ng pandemya, kumakayod pa rin ang matanda para sa kaniyang pamilya. Pinaalalahanan din ng vlogger na dapat pangalagaan din ni Tatay Danilo ang kaniyang kalusugan upang sa gayon ay hindi magkasakit at maipagpatuloy pa ang kaniyang ginagawa.


Muli niyang pinaalalahanang huwag na muling gagawin ni Tatay na magpaapi.


Sabi pa ng vlogger, “‘Pag may gumanan sa’yo ulit, sapakin mo. 


Suntukin mo. Nagkakaintindihan ba tayo?”


Subalit, sagot naman ng matanda, “Delikado manakit.”


Pero sabi naman ng vlogger, “pambabastos” daw ang gagawing ito sa kaniya kung saka-sakali dahil tila minamaliit daw siya nito.


“Pantay-pantay lang po tayo,” ani ng vlogger.


Bago umalis ang vlogger ay ibinigay niya na ang P3,000 kay Tatay Danilo. Kasya na raw ito, saad ng matanda.


Subalit dinoble pa ito ng vlogger at sumatotal, P6,000 ang ibinigay kay Tatay Danilo. Pabirong sinigurado ng vlogger na hindi ito ipinapautang sa matanda at kusa nila itong ibibigay.


Binigyan din nila ang matanda ng dalawang sakong bigas; isang malaking supply ng diapers na naglalaman ng 12 packs dahil nasabi ng matanda na may mga pamangkin siya; at anim na supot ng gift packs.


Nagpasalamat si Tatay Danilo at umuwing punong-puno ang kariton na tiyak na ikatutuwa ng kaniyang pamilya.


Source:  Jose Hallorina - Youtube Channel


Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.