Header Ads

Mga CELEBRITIES Na REJECTED sa TV 5 at GMA NETWORK at KAPAMILYA STARS na May BAGONG TRABAHO




Larawan ay mula sa Google



10. Ria Atayde
Siya ay anak ng beteranang aktres na si Sylvia Sanchez. Nagsimulang umarte si Ria noong 2015 sa Kapamilya teleserye na “Ningning.” Matapos nito’y nakagawa pa siya ng iba pang TV shows at lumabas din sa iba’t ibang pelikula. Taong 2016, nakuha niya ang “Best Female New TV Personality” at “Female Star of the Night” na mula sa PMPC. Dahil sa ABS-CBN shutdown, napabalitang lilipat na ng network si Ria. Ito ay nakumpirma sa paglabas ng kanyang pictorial shoot para sa TV 5 at sinabing siya ang isa sa magiging host ng talk show na “Rise and Shine.” Mananatili pa rin naman daw siyang Star Magic Artist, sa ilalim pa rin ng ABS-CBN.
Ria Atayde keeps mum about brother's love life
Larawan ay mula sa Google
9. Pokwang
Nagsimula ang karera ni Marietta Subong, a.k.a Pokwang, matapos siyang magtrabaho bilang isang OFW. Una siyang nakita sa show na “Easy Dancing” ng ABC 5 at pagkatapos ay sumali sa contest ng ABS-CBN na “Clown in a Million,”  noong 2004, kung saan siya ang itinanghal na grand winner. Nang pumirma ng kontrata sa ABS-CBN, dito na nagsunod-sunod ang kanyang mga proyekto. Kamakailan lang ay napanood si Pokwang sa segment ng Eat Bulaga na “Bawal Judgmental” para sa Father’s Day episode ng programa. Umugong ang balitang lilipat na siya sa GMA ngunit lumabas ang litratong kasama niya sina Ria Atayde at Pauleen Luna. Ito ay dahil magkakasama sila sa isang talk show sa TV 5. Sinasabi ring magkakasama sila ni Jose Manalo para naman daw sa isang game show na “Fill In The Blanks.”
Pokwang | Till I Met You Wikia | Fandom
Larawan ay mula sa Google
8. Jessy Mendiola
Isa si Jessy sa mga ini-launch na talents ng Star Magic Batch 15 noong 2007. Marami siyang nagawang teleserye at pelikula sa ABS-CBN. Siya ang naging bida sa remake ng Mexican telenovela na “Maria Mercedes.” Huli siyang napanood sa palabas na “Sandugo.” Napabalitang lilipat siya ng ibang network at sinabi niya sa kanyang Instagram post na hindi na raw siya makapaghintay sa paglabas ng bago niyang TV show. Ito ay lalabas sa kanyang sariling wellness program na tinawag na “Fit for Life.”
Jessy Mendiola: Dubai-born Filipina actress struggled with weight ...
Larawan ay mula sa Google
7. Janella Salvador
Debut serye ni Janella ang hit family series na “Be Careful With My Heart” noong 2012 na tumagal ng dalawang taon sa ABS-CBN. Bumida rin siya sa ilang palabas tulad ng “Oh My G!”, “Born For You” at “The Killer Bride.” May mga pelikula rin siyang nagawa. Napabalitang isa si Janella sa mga lilipat ng istasyon para ipagpatuloy ang kanyang trabaho. Ngunit ayon sa panulat ng isang entertainment columnist, hindi na raw matutuloy ang posibilidad na magkaroon si Janella ng show sa TV 5 dahil umano sa pagmamaldita nito sa isang staff ng gagawin sana nitong programa. 
Janella Salvador Allegedly Rejected By TV5 Due To This Reason
Larawan ay mula sa Google
6. Ogie Alcasid at Regine Velasquez
Ang mag-asawang Alcasid ay nagsimula sa “SOP,” “Party Pilipinas,” at “Sunday All Stars” sa GMA 7. Tumagal ng dalawang dekada ang kanilang pagho-host sa mga nabanggit na programa. Matapos maging Kapuso, nagdesisyon silang maging Kapamilya, at sila’y napasama sa “ASAP.” Nabigyan umano ng bagong show ang mag-asawa sa TV 5 at makakatrabaho raw nila si Ryan Agoncillo. Ito ay sa isang reality talent show at sa pagbabalik ng “Talentadong Pinoy.” Sina Regine at Ogie raw ang magiging hurado sa naturang talent show. Naging pasabog din ang pahayag ni Suzette Doctolero patungkol sa mag-asawa na hindi na umano interesado ang GMA sa kanilang dalawa.
Ogie Alcasid responds to basher claiming him & Regine Velasquez ...
Larawan ay mula sa Google
5. Anne Curtis
Nagsimula ang career ni Anne sa GMA 7 matapos siyang mapabilang sa dramang “Ikaw Na Sana” (1997). Nasundan ito ng “T.G.I.S” at “Anakarenina.” Lumipat siya sa ABS-CBN noong 2004 sa tulong ng VIVA Artist Agency. Dito mas napansin ang angking talento ni Anne sa pag-arte at sa pagho-host. Isa ang pangalan ni Anne sa mga talents ng VIVA na may posibilidad na magtrabaho sa TV 5.
Anne Curtis | Anne curtis, Asian bikini, Filipina girls
Larawan ay mula sa Google
4. James Reid at Nadine Lustre
Ang tambalang “JaDine” ay mas sumikat nang pumirma sila ng kontrata sa ABS-CBN bilang loveteam. Bumida sila sa mga palabas na “On the Wings of Love” at “Till I Met You.” Lumabas din sila sa iba’t ibang TV shows sa Kapamilya network. Maugong ang balitang sila raw ay maililipat sa TV 5 para gumawa ng isang TV show.
We love James Reid And Nadine Lustre - Publicaciones | Facebook
Larawan ay mula sa Google
3. Sarah Geronimo
Matapos manalo sa “Star For A Night,” hindi lang singing career ang nagpatuloy sa Pop Star Royalty na si Sarah. Matapos pumirma ng kontrata sa ABS-CBN, ipinalas din niya ang galing niya sa pag-arte. Nakagawa nga siya ng ilang palabas at mga pelikula. Isa rin siya sa mga coach ng “The Voice”. Hindi malinaw kung maililipat din siya sa TV 5.
Wondering how rich Sarah Geronimo is? Here's an estimate | PUSH ...
Larawan ay mula sa Google
2. Coco Martin
Nagsimula siya bilang isang indie film actor. Bumida rin siya sa mga seryeng “Mula sa Puso,” “Kung Tayo ay Magkakalayo,” at iba pa. Nito lamang ay napaulat na ni-reject si Coco ng TV 5 para sa primetime slot nito. Ayon sa report, hindi raw pumayag ang TV 5 executives sa pagbili ng ABS-CBN ng time slot para ipasok ang kanilang mga TV shows gaya ng “Ang Probinsyano.”
Coco Martin bio: Age, net worth, son, real name ▷ KAMI.COM.PH
Larawan ay mula sa Google
1. Vice Ganda
Lalong sumikat si Vice nang mapabilang siya sa mga hosts ng It’s Showtime. Nabigyan din siya ng iba’t ibang proyekto sa ABS-CBN: mga pelikula at pagiging judge sa mga talent competitions. Napabalitang tinanggihan siya ng TV 5 dahil sa hinihingi umano nitong talent fee na aabot sa 3 milyong piso kada buwan. Dahil umano sa nangyari ay napilitang mag-launch ng digital channel si Vice. Pinabulaanan naman niya ang balitang tinanggihan siya ng TV 5.
Emotional Vice Ganda walks out of 'It's Showtime' opening number ...
Larawan ay mula sa Google


Source: Showbiz Philippines - Youtube Channel

Source: Furry Category

No comments

Powered by Blogger.